Friday, October 01, 2004

again... again...

oh well... this is my third attempt to start a blog. i made one before dito sa blogger but after two posts, hindi ko na namaintain. i also made an account sa isa pang blog site pero hanggang account lang sya. bakit nga ba hindi ko mapag-ukulan ng time ang pagba-blog? noon pa man, hilig ko na ang magsulat. i was *eherm-eherm* editor-in-chief of our Filipino school paper nung higschool. i used to write poems and essays kapag mejo tinotopak. pangarap ko nga din makapag-publish ng sarili kong libro na sort of collection ng mga tula, maiikling kuwento, sanaysay, atbp na isinulat ko.

pero bakit nga ba hindi ko mapag-ukulan ng panahon ang pagsusulat?

lagi ko na lang excuse ang pagiging busy sa trabaho at ang kawalan ng
inspirasyon. waaaaa!!! ok, ok... talagang tamad lang ako at kulang sa disiplina. at sige na, sa inspirasyon na rin.

hopefully, this time ay mabigyan ko na ng sapat na panahon ang blog na ito. tutal ay mas hawak ko na ang schedule ko ngayong nasa bagong programa nako (at mas mataas na posisyon ^_^ yipee!!!). at tutal, meron nakong inspirasyon -- ang mga hinanakit ko sa buhay! at ang sandamakmak na problemang pinagdaanan ko, lalo na ngayong taon *loughing out loud*

ayun... i just hope mag-enjoy ang mga mabubuting loob na mapapadaan dito at totopaking magbasa ng mga entries ko. sana ay may mapulot din silang aral *crossingMyFingers*

0 Comments:

Post a Comment

<< Home