Wednesday, May 04, 2005

Bahaghari

Image Hosted by ImageShack.us


Ano nga ba ang nasa dulo ng bahaghari? Narito nga ba ang palayok na punumpuno ng ginto? Narito nga ba ang pangakong kaginhawaan?

Image Hosted by ImageShack.us Ayon sa siyensya, ilusyon lang ang bahaghari. At wala talaga itong hangganan. Ngunit para sa mga batang pusong katulad ko, ang bahaghari ay isang napakamahiwagang tanawin pagkatapos ng ulan… kabigha-bighani… kahali-halina…Wala pa akong nakilalang hindi gusto ang bahaghari. Sino nga ba ang hindi namangha sa kanyang taglay na kariktan?

Ngunit, nasa dulo nga ba ng bahaghari ang palayok na puno ng ginto?

Image Hosted by ImageShack.us

Ako, nagtagpuan ko sa bahaghari ang kaligayahan. Pinuno niya ng kulay ang aking mundo. Binigyan niya ako ng buhay, ng sigla, ng kakaibang liwanag. Sa bahaghari ko nabuo ang aking pagkatao. Hinatdan niya ako ng isang kayamanang hindi nauubos… ng kaligayahang hindi nagtatapos.

Image Hosted by ImageShack.us

Noon ko napatunayang walang dulo ang bahaghari, walang hangganan. At wala ngang palayok na punumpuno ng ginto. Sapagkat ang yaman niyang taglay ay higit pa sa anumang materyal na bagay.

*****

Image Hosted by ImageShack.us Sa kanyang ganda, ako ay nabighani. Sa kanyang hiwaga, ako ay namangha. Nahuli niya ang puso ko at walang pasubaling binihag, upang hindi na kailanman pakawalan. At ako’y nagpaubaya. At bukal sa loob na nagpatali sa kaniyang tanikala...

*****

Salamat, Bahaghari sa pag-ibig na iyong hatid.

Image Hosted by ImageShack.us


*****

*The rainbow flag has become one of the most widely used and recognized symbols of the gay pride movement. The concept of the rainbow is hardly a new one. Rainbows have used since ancient times in all kinds of cultures- Greek, African, Native American and Celtic, to name only a few. Even Jesse Jackson's Rainbow Coalition has made use of the rainbow has a freedom symbol.

A follow-up article about lesbian symbols will be posted soon ;-)

3 Comments:

At 2:34 AM, Blogger NV said...

*clapping*Love this entry!Ang galing mo talagang magsulat lalo na pag filipino..keep it coming my way pls;)

 
At 10:00 AM, Anonymous Anonymous said...

sino naman kaya ang bahagharing itong na iyong binabangit..

..ang pumukaw ng iyong puso? *ngisi*

-aRraH

 
At 8:44 PM, Blogger Summer Fire said...

NV:
: ) ikaw ang ginto sa dulo ng aking bahaghari.

ARRAH:
hehehehe :D eh ikaw? sino naman kaya ang natagpuan mo sa dulo ng iyong bahaghari?

LYCEL:
thanks gurl :) sino ba naman ang hindi masesenti sa syanag dult ng isang napakakulay na pag-ibig?

 

Post a Comment

<< Home