Thursday, July 28, 2005

selfish me

somebody once told me that i am selfish. well, i think she is right (at certain times, but NOT all the time). i have this tendency to yearn for everything. because i want to be happy, i am not aware that i am hurting somebody. which is NOT right, i know. it's wrong to desire to have everything 'coz we may end up having nothing. lucky me, that (losing everything) hasn't happened to me yet... oh dear Lord, i hope i won't go through that hell *crossingMyFingers*

Friday, July 08, 2005

Ulan

Rainy Day

I do not like a rainy day.
The road is wet, the sky is gray.
They dress me up, from head to toes,
In lots and lots of rubber clothes.
I wish the sun would come and stay.
I do not like a rainy day.

~ William Wise

Image Hosted by ImageShack.us


Noon pa man, hindi ko na gusto ang ulan.

Noong bata pa ako, bihirang-bihira akong makalabas ng bahay. Bawal. Magagalit ang nanay at tatay ko. Madali raw kasi akong masugatan. Madadagdagan lang daw ang mga peklat ko sa binti. Pero hindi naman ako lampa. Kaya nagkakasya ako sa paglalaro ng lutu-lutuan nang mag-isa. Kinakausap ang sarili ko habang nakatanaw sa mga batang mahaharot na naglalaro sa harap ng aming tindahan.

Isang himala para sakin kapag pumayag silang lumabas ako ng bahay at makipaglaro sa iba pang mga bata. Pakiramdam ko, para na rin akong dinala sa Jollibee. Ang saya-saya-saya!

Kaya kapag tag-ulan, lalong nalulungkot ang bata kong puso. Lalong nawawala ang pag-asang makalalabas ng bahay para makipaglaro. Bawal din ang maligo sa ulan. Madumi raw ang tubig na galing sa bubungan. Sa isip-isip ko, tama nga naman. Kapag tumatanaw ako sa bintana sa itaas namin, bubungad sakin ang bubong ng kapitbahay na puno ng dumi ni Muning.

Simula noon, ayoko nang nababasa ng ulan na galing sa bubong ng kapitbahay. Pero paano ko ba iyon iiwasan kung dikit-dikit ang mga bahay sa aming tirahan? Kapag umuulan at kailangan kong lumabas, hindi ko na maiiwasan ang kahit isang talsik ng tubig na galing mula sa bubungan.

Pero kahit na nalagpasan ko na sa pagtanda ang diri sa pagkabasa ng ulan na galing sa bubong, ayoko pa rin ang ulan.

Dahil wala naman kaming sariling sasakyan, napakahirap dati para sa akin ang pagpasok sa eskwela. Na lalong pinapahirap ng ulan. Naglalakad ako nang malayo papunta sa sakayan ng dyip. At bago pa ako makarating sa sakayan, kailangan nang isampay ang suot kong damit. Wag na rin pag-usapan ang mahabang pila para makasakay at ang mas mahaba pang trapik. At dahil kailangan kong dumaan sa bayan papunta sa sakayan, hindi rin papahuli ang mga putik.
Ngayon, bakit ko nga ba gugustuhin ang ulan?
Lalo na kapag nalalaman kong marami ang nawawalan ng tahanan at ng mga mahal sa buhay minsang mapalakas ang patak ng ulan. Marami ang nauulila... marami ang nangungulila.
At hindi ko rin maintindihan kung bakit kakaibang lungkot ang hatid sa akin ng ulan. Sa bawat buhos ng tubig mula sa langit, kasabay ay ang tila pag-agos din ng lumbay sa aking dibdib. Sa bawat patak ng mga butil ng ulan, kasabay ay ang nakabibinging katahimikan... katahimikang lumulukob sa akin at nagpapaiyak sa damdamin.
Bakit nga ba kapag umuulan, ang paligid ay dumidilim? Bakit ba ito nagdudulot ng masasamang pangitain? Bakit ba kasabay nito ay ang pag-ihip ng malamig na hangin? Bakit tila isa itong kartero ng hindi mabubuting balita? Bakit nga ba naghahatid ang ulan ng hindi masasayang alaala?
Ulan, ano ang meron ka? Bakit kapag ikaw ay nariyan, napapawi ang saya?

*****

Ang aking damdamin
pinaglalaruan ng baliw at ng ulan...
Sinong 'di mababaliw sa ulan?
    ~ Rivermaya

      *****
      Ulan
        Halika, aking mahal
        tayo ay magtampisaw
        magsayaw
        sa ilalim ng buhos ng ulan
        Ating saluhin
        ang buhos ng pag-ibig
        ating yakapin
        ang bumabahang pagtingin
          Huwag kang matakot, mahal
          sa lakas ng hangin
          sa lamig ng ulan
          pagka't sa aking pag-ibig
          ikaw ay may kanlungan.
            ~ Summer Fire