New Year
*habang nasa isang malamig at tahimik na opisina.
habang ang utak... ang puso... ay nagpapahinga.
pasintabi kung walang kuwenta :)
new year na pala.
hindi ko na namalayan.
dahil sa bilis ng takbo ng panahon
at sa dami ng ginagawa ko sa trabaho,
wala na akong panahong isipin pa ang padating na taon.
nabubuhay ako nang isang araw bawat araw.
new year na pala.
hindi ko na namalayan.
o siguro, ayaw kong mamalayan.
paano, alam kong pagdating ng bagong taon
ilang buwan na lang at 24 nako.
ayokong mag-24.
ewan ko ba, ang lapit-lapit-lapit na kasi ng 24 sa 25.
at ayokong mag-25.
pakiramdam ko, matanda nako nun.
pasintabi sa mga trenta na.
natatakot akong tumanda.
hindi dahil ayokong magka-wrinkles
o ayokong mag-ulyanin
(ngayon pa nga lang ulyanin na).
natatakot akong tumandang walang narating sa buhay.
at tumandang walang kasama sa buhay...
ano nga ba ang kinabukasang naghihintay para sa atin?
kahit sa mga "totoong" babae at lalaki,
kahit sa sinuman sa atin -
mayaman, artista, pulitiko, call center agent...
walang sigurado.
may pera ako ngayon,
sa isang araw pwedeng namumulot na lang ako ng basura.
nagsusulat ako ngayon para sa telebisyon,
bukas maaaring hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko para makapagkuwento pa.
ano nga ba ang kinabukasang naghihintay para sa atin?
lalo na sa mga katulad ko?
nakatatakot tumanda.
lalong nakatatakot tumandang lesbiana.
dahil malupit ang mundo
lalo na sa mga taong "naiiba" sa kanila...
new year na pala.
hindi ko na namalayan.
ayaw ko nang mamalayan.
natatakot ako sa pagdating ng bagong taon
sa paglipas ng panahon
na ang mundo ay hindi nagbabago...