Walang saysay na kamatayan



Nakalulungkot... Nakakapanghinayang... Nakakainis... Nakagagalit... Nakakatakot...
...kung paanong ang napakarami sa mga Pilipino ay inaasa ang kapalaran at kabuhayan sa isang tila suntok sa buwan na pangako, higit sa lahat... sa isang GAME SHOW;
...kung bakit kailangang tiisin ng ilan sa atin ang puyat, pagod, gutom, at baho para lang magkaroon ng kakaunting salapi;
...na tila hindi lang kahirapan ang laganap sa bansa... kundi bulag na paniniwala at mapait na kamangmangan;
...kung paanong ang isang institusyon na sana ay nagtuturo sa mga tao ang siya pang naglagak sa kanila sa isang maling pananaw;
...kung paanong sa gitna ng isang trahedya ay nagagawa pang magturuan at magsisihan sa halip na tanggapin at harapin ang pananagutan;
...na alam kong lilipas ang mga araw at mababaon ang lahat sa limot sa pagdating ng isang bagong trahedya;
...na alam kong hindi pa rin matututo ang marami sa mga Pilipino pagkatapos nito.



2 Comments:
Nakakalungkot talaga. Ewan ko ba, nasilaw silang lahat sa kinang ng salapi. Nagbakasakaling makahawak at makakuha ng kahit mumunting halaga, pero ano ang nangyari? Trahedya.. Hayz.. :/ Kawawa naman..
:(
Post a Comment
<< Home