Wednesday, October 27, 2004

BADtrip

Finally… nagkaroon din ako ng time para magpost dito. Ang tagal ko ring nawala dahil kelangan sa mga out-of-towns ko. Kailangan ko kasing mag-advance ng stories dahil aalis si Xtian para magbakasyon sa US. Wala naman masyadong nangyari na kakaiba o exciting. Pagod nga lang at sakit ang nakuha ko. Hay.

October 16, Saturday

** Pagdating namin sa sea port ng Iloilo (we had to land at Iloilo muna papuntang Bacolod dahil wala ng available na tickets for Bacolod sa Cebu Pacific eh Cebu pacific kasi ang barter namin sa office), hindi kami nakasakay agad ng ferry dahil naubusan na kami ng tickets for the departure time na gusto namin. So tumunganga muna kami dun for ilang minutes. Buti na lang, may anghel na bumulong sakin na pumunta dun sa isa pang shipping line. At salamat kay Lord dahil may mas maagang boarding time kaming naabutan (thanks Weesam Express!).

***Pero syempre, late na late na kami sa appointment namin dun sa unang location ng shoot. Hindi na kami nagkaroon ng time na magpahinga man lang bago magshoot.

**1st stop: Victor Fernandez Gaston Ancestral House sa Silay City – ayun… tumingin ng mga kung anik-anik na antik

**2nd stop: El Ideal Bakery – oldest bakery sa Silay City at kilala sa paggawa ng Guapple pie.


**3rd stop: Bernardino Jalandoni Ancestral House sa Silay – bumili ako ng bracelet para sa sarili ko tsaka para panregalo

**Nagdinner kami sa BOB’s Restaurant sa Bacolod City – da best ang pagkain! Try their spare ribs… yum... yum… sarap din nung punch chorva nila. Noon lang ako natuwa sa buong araw na yun.


Image Hosted by ImageShack.us

Balay Negrense



October 17, Sunday

**Nagpunta kami sa isang dog show na isasama ko dapat sa segment namin ng Masskara Festival… yung mga inaasahan kong mga aso na naka-mask, wala. Sheesh… nasayang din yung buong umaga naming tinunganga dun.

**Masskara Festival – ok lang… enjoy kahit papaano. Pero hindi ako masyadong na-amaze. Piktyur-piktyur na lang… kakainis pa yung mga fans (ko… hehehehe…) na dinudumog si Xtian. Hindi tuloy kami makapagshoot nang dire-diretso. Pero ganun talaga. Nabubuhay ang artista dahil sa mga fans kaya kelangan maging nice.

**Nagdinner kami sa Aboy’s Restaurant – ok lang din. Sumakit tiyan ko sa sobrang kabusugan. Nagbawi ata ng kinain sa sobrang kapaguran sa buong maghapon.


Image Hosted by ImageShack.us Image Hosted by ImageShack.us Image Hosted by ImageShack.us
Silip sa Masskara


October 18, Monday

**Bacolod Chicken House – shoot dito at nakalibre ng lunch. hay... sarap ng inasal… hmmm…

**Bongbong’s Piaya factory – shoot din at libreng tikim-tikim ng freshly-cooked piaya at iba pa nilang delicacies. Da best pala ang piaya kapag mainit. Namili na rin ng pasalubong after. Nabutas ang bulsa ko. As if may mabubutas. Hehe.

October 19, Tuesday

**Nagshoot kami sa Pana-ad Park dahil hindi natuloy yung dapat eh shoot namin sa La Carlota Sugarcane field. Dapat eh sasakay kami sa steam engine na ginagamit sa mga sugarcane field pero dahil hindi na-coordinate nang maayos ang shoot, nauwi kami sa steam engine na hindi umaandar sa park. Dang! And this incident will ruin everything…

**Nagshoot din kami sa San Sebastian Cathedral, ang center ng religious life sa Bacolod.



Image Hosted by ImageShack.us

pakyut ever! ;p at Pana-ad Park... at the back is one of the steam engines used in La Carlota sugarcane field


**Then, muwi na…


Mukha bakong nag-enjoy?

Oh well… ang sarap sana ng buhay ko dahil I get to travel to different places nang libre. Yun nga lang, trabaho ang byahe. Ok lang din sana, yun nga lang ulit, sa sobrang pagod mo at pag-iisip sa shoot nyo, hindi mo na maiisip na mag-enjoy pa o I-enjoy nang todo ang trip. Sino bang mag-eenjoy nang nastre-stress???



******

Word for the day:

Piaya – a round, flaky pastry with molasses-like sweet filling

Songs for the day:


1. Don't Let Me Be The Last To Know (in Tagalog - Huwag Mo Akong Gawing Tanga)2. You Should Know By Now (in Tagalog - Alam Mo Na Dapat Ngayon Yan, Tanga!)


Share Ko Lang…

People leave you because they are not joined to you. And if they are
not joined to you, you can't make them stay. Let them go.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home