Monday, February 14, 2005

naghihintay...

first love, first heartache. Image Hosted by ImageShack.us

yeah... sadly, the first woman whom i fell inlove with was the first woman who really broke my heart. akala ko nga, madadala na ako. akala ko, hindi nako ulit mai-inlove sa babae. naisip ko, "paka-straight na lang kaya ulit ako?" pero naisip ko din, kawawa naman silang mga butches sa mundo. less one pretty femme kapag nagpaka-straight ako nyahahahaha! :p

seriously, minsan nakakapagod nang ma-inlove. nakakapagod nang mag-invest ng emotions sa isang tao tapos sa bandang huli eh sa wala rin mapupunta. nakakapagod nang masaktan. nakakapagod na ang cycle ng saya-lungkot-saya-lungkot o ng ngiti-iyak-ngiti-iyak.

pero, paano nga ba natin pipigilang makaramdam ang puso natin? paano natin patitigilin ang pagtibok nito? paano nga ba natin pipigilan ang mga sarili nating masaktan kung ang sanhi ng sangkaterbang sakit sa atin ay siya ring nagdudulot satin ng abot-langit na saya?

kaya nga eto ako... kahit halos ilang buwang gabi-gabing umiyak, kahit halos mawalan ako ng bait sa sarili dahil sa sugat na nilikha ng kabiguan ko sa pag-ibig... eto pa rin at patuloy na nakahandang magmahal... patuloy na umaasang isang araw ay may kakatok sa aking pinto upang habambuhay na maghatid ng saya sa aking mundo. alam kong may nakalaan para sa akin. at siya ang nakatakdang tumapos ng cycle ng saya-lungkot-saya-lungkot sa buhay ko...

SA IYO, wag kang mag-alala. andito lang ako. naghihintay sa pagdating mo. pero may isa lang akong request... pwedeng pakibilisan? ;)


Image Hosted by ImageShack.us Waiting for the Dawn

Reach out your hand and feel this hand i reach to you
Listen with your heart to the song i have to say
Miles apart and miles away
I listen to your voice
And i look to the distance waiting for you

I like awake looking up waiting for the dawn
Hoping that tomorrow would bring you home to me
I watch the skies deep in thought
Day drawing near
As my soul flies to the sun casting out all the fear

And i'm waiting for the sun to shine
Waiting for your hand in mine
Waiting for the darkness to fade
Waiting for the dawn

When the dawn has come
And the night has gone
I will come to you
Knowing that the day has brought you home to me
I seek no more, long no more
For the dawn has come
As you hold my hand there's no more
Waiting for the dawn

4 Comments:

At 7:01 AM, Blogger NV said...

Nako, pag nagpaka straight ka,lalong hindi uuwi yun lol. Seriously though, sana hindi ka mapagod sa paghihintay sa kanya lalo na't alam mong she's worth the wait. Hang in there sexy summer;)

 
At 11:19 AM, Anonymous Anonymous said...

maghand out ka ng maps that leads to where you are. lol. yong bang may malaking "x" sa destination. hehehe.. joke.

just don't give up on the "waiting in vain" thingy.. she'll be there when you least expect it. *smiles*

-aRraH

 
At 10:49 PM, Blogger red_door8 said...

naks.. hehe
sino naman yan ha? :D

 
At 3:46 PM, Blogger Summer Fire said...

NV: hehehe wag syang mag-alala, malayong magpaka-straight si Summer noh *winkwink* and she really is worth the wait. could you do me a favor? please tell her i'll wait for her kahit an0ng mangyari hehe. paki na lang kc parang ayaw maniwala sakin eh wahehehe ;)

ARRAH: nakow nde na kelangan ng map. madali naman akong mahagilap eh. hehehehe.

KARLA: ehehehehe chorva lang! lolz

 

Post a Comment

<< Home