Sugat
mas masakit ang sugat na hindi nakikita...
kaya nga ba mas makirot ang mga isiping gumugulo sa utak kesa sa mga gasgas sa tuhod sa tuwing tayo'y nadadapa?
kaya nga ba mas mahirap kalimutan ang mga ala-alang mapapait kesa sa pagkapahiya natin noong tayo'y nasubsob sa lupa?
kaya nga ba mas tumatagos sa laman ang mga tarak sa ating puso kesa sa hiwa ng kutsilyo?
kaya nga ba mas mahirap kalimutan ang mga kabiguan at dalamhati kesa sa pagkawala ng mga peklat sa balat natin?
at ang mga sugat na hindi nakikita, habambuhay na nakaukit sa ating isip, puso, at kaluluwa... kaya mas masakit, mas makirot, mas mahapdi, at mas mahirap na burahin sa ating tanang buhay...

2 Comments:
Haay... tama ka dyan! Yung mga sugat na likha ng pag-ibig, yan ang mga sugat na mahirap maghilom.
B
umaayon ako sa mga nakasulat dito.. mga sugat na dadalhin kahit saan magpunta.. mga pasakit na patuloy na magmumulto sa ating mga diwa.. mga sugat na hindi maghihilom kung patuloy mong hahayaang ito'y saktan ka..
-Deviant_Angel
Post a Comment
<< Home