Thursday, January 13, 2005

LES talk!

Image Hosted by ImageShack.us


just had my dinner kasama ko ang ilang officemates. had adobo and in fairness, matino ang luto sa canteen ngayon. nabusog ako sa kinain ko. pati na rin sa usapan namin ng 2 sa ilang trusted friends ko dito sa opisina.

tawagin na lang natin silang BI at STR8 (read as "straight"). silang dalawa ang magkasama sa isang programa. si Bi ay may gf na nagtatrabaho din sa GMA. pareho silang femme (o "pink" 'ika nga ni Bi). pero akala ko dati SB (soft butch) itong si Bi. looks can really be deceiving. sheesh. eniweyz, eto ang ilan sa mga chikahan namin (mejo rephrased na kasi hindi ko na syempre maalala yung exact words at sentences kanina)...

bi:
kamusta?
ako: ang alin? *ngisi*
bi: lablayp ano pa ba?
ako: ah okey *ngisi ulit*
bi: kamusta na si ano...?
ako: sino? sino sa kanila? nyahahaha! (feeling madami)
bi: yung pinakita mo sakin dating picture.
ako: sino nga sa kanila? *laughs*
bi: *laughs*
ako: ang dami eh 'noh? hehehe... ayun... hindi ok. basta... hindi ok. *smiles* alam mo yung downelink?
bi: ano?
ako: downelink *spells*... yung friendster na pang-you-know.
bi: ah... oo... meron ka?
ako: kakagawa ko lang mga four days ago ata. grabe nga eh kasi everyday my invite. hehe.
bi: wow! talaga? mabenta!
str8: ang dami na ngang ganyan eh. may myspace pa.
ako: cute lang yung myspace at downelink kasi pwede mo i-customize
yung page mo. meron pa ngang multiply eh.
str8: ano yun? multiply? ang dami na nga.
ako: pare-pareho lang naman eh. ako ino-open ko lang myspace ko kapag may notification sa email na may message ako o friend request.

*fast forward*

bi:
so shao... ayaw mo na talaga sa lalaki?
ako: ha? uhmmm... wala na talaga ako interes eh. alam mo yun? yun bang sige naku-kyutan pa naman ako, kinikilig pero wala nang romance yung kilig. hindi ko na nakikita yung sarili ko na may bf.
bi: pero gusto mong magka-kids?
ako: parang ayoko din *laughs* i mean... not now siguro. hindi ko nai-imagine ang sarili ko na buntis *laughs*
bi&str8: *tawa tawa din*
str8: so hindi ka na talaga nati-turn on sa guys?
ako: anong klaseng turn on? *noti smile*
str8: yung ano... *laughs*
ako: err... hindi na talaga eh. pero yun nga. like nung monday, cute yung case study namin. pero gang kilig lang. ok sige cute sya. period.
bi: pero nagka-bf ka dati?
ako: oo.
bi: gano kayo katagal?
ako: 1 year and 4 months *tawa tawa*
bi&str8: *amused?* whoa!!!
bi: o... eh baka na-trauma ka lang.
ako: nyak... hindi noh. wala lang yun. para nga lang ldr yan. hindi seryoso. alam ko from the very start na maghihiwalay kami. hehe.

*fast forward*

bi:
hmm... may ipapakilala ako sayo. mga pink.
ako: nyak... ayoko sa femme eh. mas gusto ko butch.
bi: eh bakit? ayoko sa butch na butch kasi kung ganun edi sa lalaki na lang.
ako: mas keri ko pa yun kesa sa femme. baka magkulutan lang kami!
bi: eh kapag butch na butch para na ring lalaki edi sa totoong lalaki nako.
ako: anong parang lalaki? kahit butch na butch... babae pa rin yun!
bi: ang tawag ko kay ***** eh chickboy. ikaw chic ka lang eh 'noh?
ako: anong chickboy?
bi: pwede sa chick... pwede sa boy!
*laughter*
bi: so kahit gwapo tipong tipo mo talaga tapos mayaman ayaw mo talaga?
ako: hmmm... siguro kung tipong may-ari sya ng limang mall, pwede na! nyahahahaha!
bi: eh matandang intsik pala hanap mo eh! lolo na yun kung may-ari ng limang mall... si henry sy pala gusto mo eh!
*laughter*
bi: (to str8) kung ikaw ang papipiliin, mayamang butch o mahirap na guy?
str8: (nag-iisip) anong ugali nung guy?
bi: uhmmm...
str8: ay hindi! kahit gwapo pa o mabait yung guy... sa mayamang butch ako!
*laughter*
str8: naku 'noh. mahirap yung puro love lang. in these times, dapat may pera din kayo. pano kayo kakain? ano ipapaaral nyo sa magiging anak nyo?
bi: hindi na pwede ngayon na magsasama kayo tapos wala kayong pera.
ako: true!
bi: kay henry sy ka na lang! *laughs*
ako: pero kahit mahirap... sa babae pa rin ako!

4 Comments:

At 2:15 PM, Anonymous Anonymous said...

hi.

i think women are great lovers because they know what the other wants...i'm referring to same sex relationships. they're more expressive and sensitive with their partners needs...

men on the other hand, are somewhat insensitive with what women really wants. some yes are sensitive enough, but not enough to suffice everything a girl wants.

(hmmm...i sounded like a feminist here. hehehe...)

yours truly,
Closet_Butch

 
At 11:06 AM, Anonymous Anonymous said...

Kanya-kanyang preference lang talaga yan, merong mga femme na hindi keri ang ultra butch personalities at mas gusto ang femme to femme. Meron din namang femme na tulad mo na mas gusto yung butch-femme setup. Whatever preference and choice it may be, what matters from a lesbians humble point of view such as mine is that the woman wants to be with another woman ONLY, period.

I have nothing againts Bisexuals, but from personal experience, masakit kasi yung bigla ka nalang iiwan dahil 5 kilometers along the road of the relationship ay biglang maiinlove sa lalaki si babaeng BI. Kung sa lalaki, eh di sa lalaki pero sana kung hindi naman talaga sigurado kung ANO ang preference, wag naman manakit ng mga taong seryosong nakikipagrelasyon at nagmamahal sa kapwa babae. Important talaga ang "KNOW THYSELF", or knowing what you want at kung hindi ka pa sigurado kung ano talaga gusto mo, maging HONEST lang sa paglalahad nito para naman bigyan ng option yung taong nagmamahal sa inyo kung itutuloy pa nya or itatabi nalang muna ang feelings.


Sky rules

 
At 11:07 AM, Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 9:47 PM, Blogger Summer Fire said...

CLOSET_BUTCH: you're definitely right! women really are great lovers *wink* but you see, SOME can also get SOOOO insensitive at times. and i'm guilty. BUT hey, that does not make me a not-so-great lover, huh? hehe.

thanks for leaving a message :) but wait, just a question... why still hide in your closet? it's great out here! trust me ;)

RYSOLAG: hi! tried checking the site but i can't access it.

SKYE: TRUE! at hindi ko talaga maintindihan yung mga straight naman talaga o yung mga bi na into woman to woman ngayon pero nag-iisip na mag-asawa o gustong mag-asawa (ng lalaki) in the future. ano'ng use ng pakikipagrelasyon kung hindi naman panghabambuhay ang tingin mo dito?

 

Post a Comment

<< Home