Monday, December 06, 2004

istokwa

Image Hosted by ImageShack.us

Mahigit tatlong buwan na mula nang "lumayas" ako sa bahay namin sa novaliches... dahil sa cellphone charger. yep, dahil sa charger. well, yun ang pinakamababaw na rason. ayaw ako pahiramin ng magaling kong kapatid ng charger. i will not dwell much on that. hindi ko na ikukuwentong halos magkapatayan kami ng kapatid ko dahil sa lintik na charger. hindi ko na sasabihing nagkapasa ako nang matindi at maraming gasgas at kalmot na naabot dahil sa pag-aaway na yun. sheesh... ang pinakamalalim na rason? hindi ko lang maramdaman na mahalaga ako sa bahay, sa pamilya ko. yun lang naman. hindi ko naman hinihiling na magpa-party sila o bigyan ako ng medalya o tropeo, pero sana man lang eh i-recognize nila kahit papaano ang mga tulong o mga nagagwa ko para sa kanila. ang kaso, hindi eh. kahit gaano pa ang pagibibigay ko nang lahat-lahat ng makakaya ko (madalas pa nga eh higit pa sa makakaya ko), laging kulang para sa kanila. tingin nila, pinagdadamutan ko sila. tingin nila, pinagkakaitan ko sila. nakakalungkot. nakakaiyak. napakasakit sa loob... sa puso.

kung tutuusin, marami akong dahilan para umalis na sa bahay noon pa. maraming dahilan para iwan ko na sila noon pa. pero hindi ko ginawa. dahil nananaig sakin ang awa at pagmamahal ko sa kanila. marami akong pangarap para sa pamilya ko. marami akong gustong gawin at ibigay. kahit na alam kong hindi na dapat...

pero nanatili ako sa bahay. at patuloy na nangarap para sa kanila. nanaig sakin ang pagiging anak. at kapatid.

oh well... tama na ang drama. hindi rin naman ako perpekto. at naging sutil din namang anak. isa pa, tapos na ang iyakan. wala na ang mga pasa... ang mga galos... ang mga gasgas...

umuwi ako samin kahapon. makaraan ang mahigit tatlong buwan, umuwi rin ako samin, sa wakas. eh ano pa nga ba? nami-miss ko na sila... si Papa, si Mama, at ang nakababata kong kapatid na babae.

mag-aala-una na nang madaling araw nang dumating ako sa bahay. tulog na silang lahat. halos walang nabago sa ayos ng bahay. nairita ako sa nadatnan kong mga kalat. natawa rin kahit papano. naiutal ko, "panong hindi makalat nang ganito eh wala ako para magligpit?"

pag-akyat ko sa taas, nagising sina Mama. pero hindi na kami nagkita kasi nasa kabilang kwarto nako, sa kwarto namin ng kapatid ko. sinigurado lang nila kung ako nga ang gumagawa ng mga kaluskos.

kaninang maagang-maaga pa, naalimpungatan akong ginigising ako ni Papa. tinatawag nya ang pangalan ko. pero hindi ako nagmulat ng mga mata ko. masyado pa kasi akong antok. hindi rin ako kumilos. narinig ko pang sinuway ni Mama si Papa sa panggigising sakin. pagkatapos nun, wala nakong matandaan.

paggising ko nang tangahali, wala na si Papa. nagpunta raw sa Makati, sa parlor ng tita ko dahil may ipapaayos. at naluha ako sa ikinuwento ni Mama tungkol kay Papa. ang kwentong hindi ko na namalayan kanina dahil sa sobrang antok.

Papa: Shao... Shao...
Mama: anong ginagawa mo? bakit mo ginigising yan eh ang aga-aga pa?
Papa: eh syempre, miss ko na eh. miss ko na rin yang anak mo.
Mama: edi tingnan mo na lang habang tulog. wag mo an gisingin.
Papa: syempre, iba yung gising at nakakausap mo.

sayang... may shoot ako ng alas-4 kaya kinailangan ko na ring umalis pagkatapos kong mananghalian. hindi ko na nahintay pang makauwi si Papa. ni hindi man lang kami nakapag-usap kahit konti.

sina Mama at yung "evil younger sister" ko eh ang daming kwento. kulang yata ang maghapon para maikuwento lahat ng nangyari sa mahigit tatlong buwang hindi kami magkakasama.

pagsakay ko ng fx papuntang trabaho, halos mangiyak-ngiyak na naman ako. miss ko na rin pala ang pamilya ko. akala ko, hindi. miss na rin pala nila ako. buong akala ko rin, hindi.

*****

Word for the day:

istokwa - slang ng "stow-away"

Share Ko Lang:

sex is a beauty treatment. scientific tests find that when women make love they produce amounts of the hormone estrogen, which makes hair shine and skin smooth.

>> sige, pangangatawanan ko na ang pagsi-share ng mga sex facts dito. wag nyo po sana akong pag-isipan nang masama. sharing lang. *loughing out loud*

Smile Ka Naman Dyan!

a little girl goes to the barber shop with her father. she stands next to the barber chair, while her dad gets his hair cut, eating a snack cake. the barber says to her, "sweetheart, you're gonna get hair on your Twinkie." she says, "yes, I know, and I'm gonna get boobs too."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home