Late Bloomer
Sabi ng immediate boss ko sa trabaho, late bloomer daw ako. Palibhasa kasi, bente uno anyos na ako pero unang beses ko pa lang pumunta ng Malate para gumimik noong nakaraang Hulyo. Noon lang din ako nakapasok sa isang disco house. At sa maniwala man kayo o sa hindi, hindi pa ako nakapagpalipas man lamang ng oras sa isang bar. Higit sa lahat, isang beses pa lang din ako nagkakaboyfriend.
Hindi naman ako nerd at lalong hindi manang. Siguro dahil ang mga kabarkada ko nung highschool, yung mga tipo ko rin na masaya nang lilibot sa SM North para mag-window shopping, manood ng sine, at kumain, kung hindi man sa McDonald's na para na naming canteen, ay sa foodcourt para mas maraming pagpipilian. Kung hindi man, tatambay kami sa bahay ng isa sa amin para manood ng VHS at VCD at magkuwentuhan hanggang madaling araw. Mas mura ang ganoong gimik, mas may oras pa kami para makapagbonding talaga.
Ngunit higit sa mga nauna kong sinabing dahilan, tinawag akong late bloomer ng boss ko dahil sa isang pangyayaring nagpabago sa ikot ng aking buhay.
Isang buwan mahigit pa lang ang nakakaraan nang matuklasan ko ang ibang klase ng damdamin na meron pala ako...
Sa tingin ko, iniadya ng kapalaran. Nakilala ko siya at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba at sayang bumalot sa akin habang kausap ko siya. Para akong teenager na ngayon pa lang naranasang magka-crush. Super kilig. Yung ngiti ko, nakaplaster na ata hanggang makauwi ako ng bahay.
Ganun din naman ako kapag nagkaka-crush noon. Ganung-ganon... ang kaibahan nga lang ngayon, sa kapwa ko babae naramdaman ang lahat ng iyon.
Spontaneous lahat. Nakilala ko siya, nagustuhan, naging kami. Ni hindi ako nagdalawang-isip, hindi ako nalito sa damdamin ko. Hindi ko tinanong si Lord kung ano ba talaga ako – babaeng gustong maging lalaki o lalaking nasa katawan pala ng isang babae o babae lang pero babae din ang nagugustuhan. Sa buong buhay ko, ngayon lang talaga ako naging desidido. Walang pag-aalinlangan.
Buong buhay ko, ang alam ko, straight ako. Dami ko ngang crushes. Ang landi-landi ko nga, tulad ng pagkakakilala sa akin ng barkada ko. Kung niligawan nga lang ako ng lahat ng mga naging crush ko, malamang nagbilang din ako ng boyfriend. Hanggang sa makilala ko nga siya...
May kapitbahay akong lovers, matagal na sila. Nung elementary ako, yung ibang varsity namin, tibo. Nung highschool, may kaeskuwela akong kapag nalingat ang mga teachers namin, nagsusuot ng polo. Ngayong college, ate yata ng kaibigan ko, lesbiyana rin. Sa UP, may mangilan-ngilan kang masasalubong sa daan. Sa lansangan, minsan makakatabi mo sa dyip. Hindi ko sigurado pero parang homophobic pa nga ako noon. Hindi ako komportable sa mga stereotype nating tibo – gupit-lalaki, bihis-lalaki, tapos mataba. Para bang natatakot ako sa kanila. Nakakatawa dahil mapapabilang na rin pala ako sa kanila.
Malaking dahilan ng bukas kong pagyakap sa bagong mundong ito ang kultura sa UP. Lalo pa akong namulat sa tinatawag nilang third world nang sumali ako sa UP Rep (isang theater organization). Dalawang pares ng "mag-on" ang naabutan ko, dami ding bakla. Daming discreet-discreetan – pa-mhin pero pamhintang-buo pala, pa-girl pero girl din pala ang type. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na papasukin ko rin ang 'ikatlong mundong' ito, na hindi ko lamang siya basta iintindihin o itotolerate, kundi lubos na yayakapin.
Nakakalungkot nga lamang at wala na ang babaeng naging dahilan ng lahat ng ito. Pero ayos lang. Sabi nga ng mga kaibigan ko sa Peyups, "makakahanap ka rin ng katapat". Pero nalulungkot pa rin ako dahil alam kong hindi pa rin ako lubos na nauunawaan ng barkada ko. Alam kong iniisip nilang napagod lang ako sa palpak na mga pseudo-relationships ko noon sa mga lalaki. Alam kong iniisip nilang depressed lang ako sa lalaking pinakahuli kong pinag-ukulan ng espesyal na pagtingin. Iniisip nilang napagod lamang ako at naiinip na sa paghihintay kay Mr. Right. Pero paano ko ba ipaliliwanag sa kanila na hindi lamang ito isang phase o stage na aking pinagdadaanan? Paano ko ba papatunayang totoo, genuine ang nararamdaman ko? Paano ko nga ba ipaiintindi sa kanila ang isang damdaming hindi naman nila nararamdaman o naramdaman kahit kailan? Pero in fairness naman sa mga kaibigan ko, alam kong tanggap naman nila ako. Wala naman silang choice, eh. Alam ko namang mahal nila ako. Malungkot nga lang minsan at wala akong mapagkwentuhan. Paano ba naman, halos kalahati ng barkada ko, homophobic! Mabuti na lang, nakilala ko ang mga bago kong kaibigan dito sa Peyups – mga katulad ko din.
Masaya ako sa ngayon. Wala nga lang lablayp. Pero alam ko namang nandiyan lang siya sa tabi-tabi. Hindi naman din ako nagmamadali, bagama't naiinip na rin naman. Ang pag-ibig pa naman, puno ng kabalintunaan: Sa pag-ibig, ang matalino, nagiging tanga; ang tanga, nagiging matalino; ang matapang, nagiging maamo; ang mahina, lumalakas ang loob; ang matigas, napapalambot, ang malambot, napapatigas. Ang pag-ibig, kapag hinahanap mo, wala. Kung kailan sinabi mong, "Tama na! Ayoko na! Suko na ako!", tsaka naman dadating, nanunukso. Papatukso ka naman. Nawawala nga lang ang inip ko sa pagkakaroon ng lablayp kapag nagkukuwento ang ilan sa mga 'lez friends' ko. Para kasing mas kumplikado pa ang buhay-pag-ibig (bukod sa mismong buhay, in general) ng mga katulad ko. Para sa mga 'straight', isang malaking battlefield na ang pagmamahal. Para sa amin, triple pa ata ang hirap. Isipin mo na lang ang laki ng lipunang dapat naming labanan at ang kultura at mga paniniwalang kailangan naming salungatin.
Pero siyempre, hindi ko pa rin naman isinasara ang buhay ko sa mundong ito lamang. Gusto ko pa namang magkapamilya, magkaroon ng sarili kong mga anak. Ngunit alam kong marami pang mga mangyayari na maaring makapagpabago sa lahat ng mga plano at gusto ko sa ngayon. Kahit ako, hindi ko malinaw na nakikita ang kinabukasang nasa isang "normal" na buhay-may-asawa. Malay ko nga ba sa kinabukasan. Tinanong nga ako ng isa kong kabigan kung gusto ko pa raw bang magka-boyfriend. Para kasing nagpaparamdam ngayon yung lalaking gustung-gusto ko dati. Ang sagot ko, titingnan ko. Kasama pa rin naman silang mga lalaki sa choices ko. Kaya nga lang, sa ngayon ay tila lipas ang interes ko. Pasensya na lang muna siya... Better luck next time.
Noon, may kung ilang beses na rin akong nagtangkang magpakamatay. Pakiramdam ko kasi, wala nang nagmamahal sa akin, walang nakakaintindi. Kahit ako mismo, hindi ko na mahal ang sarili ko. Pero ngayon, sa bagong damdaming natuklasan ko na taglay ko pala, malayo nang kitilin ko ang sarili kong buhay. Mahal ko na ang sarili ko... lalo na ang mga babae sa paligid ko.
note: isinulat ko ang essay na yan more than a year ago na. na-invite kasi ako ng kada ko sa isang poetry night nila sa College of Engineering noon. kaka-OUT ko lang din nang mga time na yun. naisip ko, gusto kong sumulat ng isang essay about my "new-found identity" wehehe. kaya ayan... nasabi ko rin sa sarili ko na kapag nabasa ko ang essay na 'to sa harap ng maraming tao, it's somewhat a way of liberating myself na rin. nagawa ko naman at marami namang nagustuhan ang essay. a number of people for the audience even went to me para batiin ako. sabi nila, ang tapang ko raw para mag-come out sa public ng ganun. sabi naman nung iba, including a professor, maganda yung artik. tuwa naman ako syempre. after the poetry night, parang ng taas-taas na ng noo ko. noon ko lalong nasiguro na kaya kong panindigan ang "bagong mundo" na ito.
ipinasa ko rin sya sa Peyups.com. at luckily, na-publish naman sya last February 28 :-)
*****
wala po munang Share Ko Lang, etc... actually, madami kasi akong dapat gawin pa kaya nga ngayon ko lang din naharap ulit itong blog (at kaya nga sort of "republish" lang muna ako ng entry hehe). bcbchan sa trabaho kasi magpa-Pasko na. haggard kami ngayon sa Mismas episode namin na gagawin sa Enchanted Kingdom.
2 Comments:
Nabasa ko na to sa Peyups dati. Nice article, huh! Nahanap mo na ba yung magmamahal sayo? ^_^
- Sasa
Michael moved the phone slightly away from his ear while he waited. I couldnt help but note down the finer details ofKats body, knowing that I must become familiar with every part of it.
true teen sex stories
femdom fmm stories
adult xxx stories
true wife sex stories
interracial stories
Michael moved the phone slightly away from his ear while he waited. I couldnt help but note down the finer details ofKats body, knowing that I must become familiar with every part of it.
Post a Comment
<< Home