Providence
ikaw: o, ano na? kamusta?
ako: eto, maganda pa rin. nyahahaha!
ikaw: ;)
ako: bwahihihihi! :D
ikaw: nakita ko yung pics nyo ni 888, ah. is there something is should know? :)
ako: nyak, wala noh! lol wala yun, maigas! (sige, deny pa...)
ikaw: nakow ayaw pang umamin!
ako: eh wala namang aaminin eh. hehe. (tatamaan nako ng kidlat)
ikaw: sige, sabi mo eh. so kamusta na ang lovelife?
ako: ha? ano yun?
ikaw: paluin kita dyan eh.
ako: tagal... lolz
ikaw: so ano na nga? sino na ang bago mong karir?
ako: wala akong bagong karir. sila lang ang nangangarir sakin. (kapaaaaal ko talaga! lolz)
ako: bwahahahahaha! (bawiin sa tawa lolz)
ikaw: lol
ako: chorva lang! :D (pero mini-mean ko talaga yun. ALAM ko talagang maganda ako! sa korte na pumunta ang gustong kumontra! lolz)
ikaw: so, sinu-sino naman yang MGA nangangarir sayo?
ako: nakow wag mo na alamin. wehehehe!
ako: wala akong karir pero meron akong kras. (flirty mode ON)
ikaw: talaga? at sino naman yang napakaswerteng yan?
ako: ayoko nga.... sikwet! lolz (go Summer! go!)
ikaw: sows! sikwet-sikwet ka pa dyan! share mo na daliiii
ako: wala ka bang idea kung sino? (fishing...)
ikaw: umm wala eh. sabihin mo na kasi.
ako: ganito na lang... bibigyan kita ng 3 chances para hulaan. game? (ay, sows! very elementaristic and highschoolic itowh!)
ikaw: sus papahirapan pako eh.
ako: eh sasabihin ko naman kung tama eh ;)
ikaw: si 999?
ako: nope
ikaw: si 444?
ako: nyak, hindi noh! maigas!
ikaw: si 222?
ako: waaaaa ano ka ba? sabi na ngang hindi ko nga gusto yun diba?
ikaw: eh sino na nga? pinapahirapan pako eh.
ako: wala ka ba talagang idea? (ang tanga naman... naman!)
ikaw: wala nga.
ako: hmm... sige na nga. sabihin ko na nga.
ikaw: ?
ako: si... feeling ko nga sobrang obvious nako eh. gawd!
ikaw: ? <--- sige, magpaka-tanga mode ka pa! kainis!
ako: ikaw...
ikaw: :pop eyes:
ako: ...ikaw ang naive na tao sa mundo. (biglang kabig! nyahahaha! nahiya din! lolz)
ikaw: oh ok... lol eh wala nga akong idea eh. <--- pero ito ang pinaka-naive (o ta*ga? hehe) sa lahat. sheesh... hindi pa rin na-gets???
ako: haaaaayyyyy.... sheesh. you really don't know kung sino?
ikaw: hindi nga. sabihin na kasi.
ako: taga-Peyups din.
ikaw: talaga? sino naman dun? <--- grrr! akala ko matalino ka? lolz
ako: ikaw nga!
ako: IKAW!
ikaw: :pop eyes:
ako: *blush*
*****
Sabi mo sa akin, hinding-hindi mo na makakalimutan ang pag-uusap na yan. Nakatatak na sa puso't isip mo (kahit pa nabura ang memory ng pc mo at nawala lahat ng laman ng archive ng YM mo, noong nagcrash ito kamakailan). alam mo bang nakaukit na rin yan sa aking pagkatao? Hindi ko man maalala na ang lahat-lahat ng pinag-usapan natin ng mga oras na yun.. ang mga eksaktong salita at biruan. Ang mahalaga ay laging sariwa sa aking isipan ang sandaling iyon... ang kilig... ang hindi mapawi-pawing ngiti sa aking mukha (at alam kong sayo rin)... ang saya...
...Marami nang nangyari matapos ang pag-uusap na 'yun. At hinding-hindi ko pinagsisisihan kung bakit ba kinapalan ko ang mukha ko noong mga oras na 'yun upang umamin sa'yong gusto kita (hindi ko pa nga sinabi noong "gustung-gusto").
Tanong ko sa'yo noon, "Kung hindi ba ako umamin noon sa chat, ipu-pursue mo pa rin ba ako?" Ang sagot mo, "Alam mo, may mga bagay na mangyayari at mangyayari talaga dahil nakatakdang mangyari? Naniniwala ako na tayo ay pinagtagpo. Ibinigay ka sakin ng Diyos para tapusin na ang pagdurusa ko..."
At sabi nga, "Nothing ever happens by chance... Everything is Providential. Nothing is accidental."
Pero kung isa kang aksidente, nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay napahamak.
6 Comments:
ang sweet naman. :) nakakakilig. :) i was smiling the whole time i was reading this. :) haha. galing. huggy-hugz, summer. mwah!
ang sweet naman!!!!!! i'm happy for you. grabe kinilig ako. i wish i could do the same thing...LOL =) ingats!
hehe :D
Pero kung isa kang aksidente, nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay napahamak.
--- panalo natunaw ako sa kilig!
sigh! all the love in the world...
ganyan talaga ending kapag amazing ka tulad ni shao woohoo. all the best atih hehe. see you soon!
Post a Comment
<< Home