Wednesday, September 21, 2005

Oyayi


halika sa aking tabi
damhin ang yakap na mahigpit
punumpuno ng pag-ibig
sa lamig ng hangin
sa iyo'y magkukubli

huwag mangamba, anghel kong munti
sa dilim na hatid ng gabi
sapagkat sa mga bituin
ikaw ay ipaghehele
sa liwanag ng buwan
ikaw ay may kanlungan

himbing na anak
sa aking oyayi ng pag-ibig
sa umaga, sa iyong pagmulat
naghihintay
ang isang magandang bukas...

~ Summer Fire

*****

sa unang pagkakataon,
ikaw ay nahimbing sa aking mga bisig.
o, anong ligaya ang iyong hatid...

Image Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.us


0 Comments:

Post a Comment

<< Home