Monday, June 06, 2005

OUT!

this entry was sent to me through e-mail. it's sooooo funny! :D and i thought about my younger sis. hehe. galing daw ito sa isang blog pero hindi nakalagay sa e-mail kung ano'ng blog address ng original author. have fun!



1 GAY + 1 GAY = 2 GAYS



Image Hosted by ImageShack.us



Itechiwa ang first entry ko ever so congratulations to me. Kagabi, rumampa kami ng mga friendiva ko sa Malars (Malate). In fairness, 48 years na ren naman since the las time na umatak ako sa Malars dahil bisi-bisihan ang lola 'nyo sa workikay ever. Maaga akez na nakarating, mga around 11. Excited? Anyway highway, mga 12 na nang dumating si Rica(Richard) at siClaudine (Claudio). Kararating nga lang pala ni Rica dahil nag-fly ever si bakla sa Singapore at nag may-I-visit siya sakanyang long distance dyowa na narsisa, si Lucas. As usual ang mga badingerzie eh "paminta" mode na naman kagabe. Ewan ko ba? Pero yon talaga ang kultura sa Malars, mas mukha kang menchuseh mas wagi ka. Well, naglolokohan lang naman talaga ang mga badinggerzie dahil lahat ng utaw doonchie e mga halamang-dagat talaga. . . malansa . . . pula ang hasang.


Nagchismisan muna kami at super spot ng mga menchus. Na-sight namin si Duke. Hottest na hottest pa ren siya as ever at kras na kras ko pa ren siya. Pumintig na naman ang puriit ng lola 'nyo ever! Mga 1 na nang umatak kami sa isang bar. Hay naku, wag 'nyo nang alamin kung anung namesung ng bar pero front lang ang pagiging bar niya dahil sa second floor eh may "dark room" na super hadahan ang labanan. Drinkaloo lang kame ng beer ng sligh-slight. Nandun si Duke sa bar at sheeeeeet, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko... di ako makapakali ever, para akong uod na binudburan ng asin. "Mommy, I feel wet!" na naman ang drama ko. Pero learn 'nyo na, torpedo naman kasi ang lola 'nyo kaya hindi makuhang karirin si Duke. Eh super gawsh naman kasi nya noh at sa naman kasi nya noh at sa itsura kong 'to eh Monumento at Baclaran ang pagitan namen. Haaaaay. Hindi naman ako super chaka, keri-keri na, pero naman kasi yung mga nagiging karir ni Duke eh mga hottest din. So, ang lola 'nyo malamang eh magiging "thank you girl" lang in thelong run.

Nagdecide na akez na pumanik sa second floor after 3 bottles, karir mode na dahil eyni momentz eh andyan na si Sandra at dadautin na naman ang beauty ng mga badinggerzie, kaya habang maaga eh go lang ng go.

Hindi tinatawag na dark room ang second floor dahilwala lang.Infairness, dark talaga siya. Tapos majinit kasi superdamingbadinggerzie ang nagsiksikan para humada at magpahada.So enter naman ako, dahan-dahan. Pa-demure effect. Nakakatatlong hakbang pa lang ak oeh may may-I-grab na ng isang menchus ang juwet ko. Naloka naman daw ako. Deadma. Hindi ko bet ang atak niya.

Nakipagsiksikan akey maski sobrang jinit at kakaiba ang ikmel na parang pinaghalu-halong cologne, pabango, pawis at pati na ren siguro ang mga shumodstra na nagkalat. Tapos may-I-sit ako sa isang corner. Sa kanan ko eh may dalawang naglalampumchingan. Hear ko ang bawat higop. Hahahahahaha. Sa kaliwa ko naman ay may bagets. Even though hindi ko siya talaga ma-sight dahil super dilim nga, pero feeling ko sa katawan eh bagets nga. Tapos hinawakan niyang dahan-dahan yung binti ko. Nanginginig pa nga. Enjoy naman ako dahil bagets itu. Tamis-tamisan at higit sa lahat eh linis-linisan. Hindi nakuntento ang bagets, itinaas niya ever ang himas niya sa notralba ko tapos bumulong siya saken. Ask niya kung okay lang daw. Sabi ko naman, okay lang. Why not?


Pero naloka ako ng slight nung una dahil merong something sa voice niya. Learn na learn ko yung voice na 'yon, promise! Parang gusto kong tumambling mula doon hanggang Luneta nang na-feel kong kakaiba ang bagets ko. Ginetching ko agad yung nyelpi ko sa bulsa at inilawan ang fez ng bagets, hoping na mali ang feelings ko. Pero 'nung na-sight ko nga ang fez ay hindi ko alam kung tatambling na ba ako o sisigaw na lang ng Darna! Si Nick, ang shofatid ko! Nagulat siya 'nung na-sight niya rin ako tapos tumayo agad siya tapos bumaba. Follow the leader naman akez hanggang makalabas kami ng bar. Tinanong ko siya kung anu ang ginagawa niya doon at sabi niya eh nagkaayaan lang daw silang magbabarkada. Promise, so very Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ang eksena naming dalawa at mega talak ako sa shofatid. Naloloka ako sa fact na nasa dark room ang shofatid ko at ang mas super nakakaloka pa dun ay muntikna akong hadahin ng sofatid ko! At ang super-mega-over nakakaloka dun eh malamang badinggerzie din ang kapatid ko! Sinung veklus ba naman ang hindi maloloka sa eksena da'vah?

Pina-fly ko na siya ng balay at doonchie na lang kami mag-uusap dahil hindi ko na rin kinakaya ang eksenang may mga utaw nanakakasight sa'ming dalawa. Bago kami umuwe eh tinalakan naman ako ni Rica at Claudine. Sabi nila, hindi raw dapat na mawarla ako dahil veklus nga ang shofatid ko. Ang kinaiinis ko lang eh, how come I didn't see it coming? Baket sa ganitong eksena pa magkakaalamanan? Hindi naman sa witchelles ko bet na maging veklus ang shofatid ko but the thing is, baket hindi niya pina-learn sa 'ken para may guidance from the older sister. Learn ko naman na harsh talaga ang buhay vek-vek. Sana man lang nga eh nalaman ko da vah? Pero pramis until now eh hindi pa ren kami nag-uusap ni Nick. Kasi hindi ko alam kung anu ang ibebersa ko sa kanya. Jiniisip ko ren kung pano kapag na-learn ng mudra namen itu. Dalawa langang junakis niya, parehas luluki, pero parehas namang badinggerzie. Now, hahayaan ko munang magg-subside ang shock effect. Pero sooner orlater, I have to confront my veklus na shofatid about this. Good luck sa lola 'nyo!

*****

well, it is not really easy to COME OUT. it is a fact that homosexuality is not yet generally accepted in Philippine society. maraming mapanghusga at incriminating na tingin ang maraming Pilipino sa mga homosekswal. kadalasan, ang sarili pang pamilya ng isang bakla/tomboy ang unang-unang hindi makatanggap sa kanya. na sadyang nakakalungkot isipin. napakahalaga ng pamilya bilang support system sa isang tao, bakla/tomboy o straight man siya. buti na lang ako, hindi nagkaroon ng problema sa pamilya ko tungkol sa gender preference ko.

marami na ring curious cats ang nagtanong sakin kung paano daw ba ako nag-out sa pamilya ko. lalo na kapag nalalaman nilang tanggap ako ng pamilya ko. paano nga ba? that i will share with you in my next post ;) ta-tah!

Image Hosted by ImageShack.us

5 Comments:

At 9:04 PM, Blogger firewomyn said...

the blog you're talking abt is...
http://www.badinggerzie.blogspot.com/

he's in my blog roll ;)
outrageous, i tell you! :)

 
At 5:11 PM, Blogger bughaw na langit said...

hahaha...natawa ako dun ng sobra but at the same time naawa ako sa mag kapatid..

hay, buhay nga naman minsan mapagbiro...

 
At 10:01 PM, Blogger red_door8 said...

nakow.. haha.. nabasa mo na firewomyn yung vekvek begins (batman begins) at yung stariray wars: revenge of the shit (star wars: revenge of the sith)
kuleeeeet sobraaaa

 
At 6:10 PM, Anonymous Anonymous said...

*whistling* tagal naman ng next entry mo baby..dali na kasi post mo na:D

-NV-

 
At 4:25 PM, Blogger BERNADETTE said...

hehehehe.

yun lang.

i'm speechless

 

Post a Comment

<< Home