Monday, May 23, 2005

Bala

Pasado alas-otso na ng gabi. Halos 12 oras na siyang nasa opisina. Hindi naman lahat puro trabaho. May ilang oras din siyang ginugol sa pakikipagkwentuhan sa ilang kasama sa trabaho. Ilang oras pa sa pagbabasa ng e-mail at blog ng ilang kaibigan. May panahon ding baguhin ang Downelink at Friendster account niya. Matagal-tagal na ring hindi nababago yung profile page. Time for changes. Ganunpaman, pagod na rin talaga siya.

Maka-ilang ulit din niyang binago ang treatment ng istoryang isu-shoot niya bukas. Pasaway kasing mga kausap yung mga kausap nila ng researcher niya. Papalit-palit ng desisyon. Masakit na ang ulo niya. Masakit na masakit. Umiikot na paminsan-minsan ang kaniyang paningin dulot nang kalahating araw na pagkababad ng mga mata niya sa harap ng monitor ng computer. Dumadaing na rin ang kalamnan niya sa paa. Oo, nakaupo lang naman siya halos maghapon, pero nanuot yata nang husto ang lamig na ibinubuga ng airconditioning ng opisina. Naninigas na rin ang daliri niya sa kanang kamay. Pakiramdam niyan magkaka-carpal tunnel syndrome na siya. Sosyal! Kung anu-anong sakit na ang iniisip. Pero ang leeg at balikat niya, masakit na rin talaga!

Sana andito siya para makasama ko sa tanghalian.
Hindi sana ako nalilipasan ng gutom dahil lang sa wala akong kasabay sa pagkain. Sana andito siya para sumundo sakin sa trabaho. Sabay din kaming kakain ng hapunan sa isang restaurant. Pareho na kasi kaming pagod para magluto pa siya sa bahay (Hindi naman pwedeng ako ang magluto dahil bukod sa pagod na pagod na nga ako eh hindi talaga ako marunong magluto. Hehe!)

Sana andito siya para sa pag-uwi namin sa bahay eh may magmamasahe sa nanlalata kong katawan. Hindi na kailangang kasing-galing pa ng mga masahista sa spa. Ang mahalaga ay nararamdaman ko ang bawat haplos niya. Ang mainit niyang mga palad bunga ng pagmamahal namin sa isa't isa. Sapat na 'yun para mapawi lahat ng pagod. Sapat na ang mga ngiti niya para maalis ang mga sakit na nararamdaman sa katawan. Sapat na ang isang halik para magkaroon ako ng lakas.

Umalingawngaw sa kaniyang isipan ang isa sa kaniyang paboritong awitin. Hindi na kailangan ang casette o cd player para lang manamnam niya ang kanta.

At tumalon na tayo sa bangin
magpasagasa pa tayo sa tren
paputukan man tayo ng baril
dahil 'pag kasama ka
hindi ako tinatablan
ng bala...

Sigurado siya... Sa sandaling dumating na ang pagkakataong magkasama sila ng kaniyang mahal, wala ng kahit na anong sakit na kaniyang iindahin.

Image Hosted by ImageShack.us

*I'm just here bebekoi, patiently waiting for your homecoming...

5 Comments:

At 6:03 AM, Blogger CuteJugglerJeN said...

Ang sweaaheet naman nyan! =) wag kang alala dadating din ang araw na yun wag nalang isipin ng hndi masyadong mainip.

take care of each other! i salute u both! =)

 
At 9:50 AM, Blogger archer said...

grabe ang sweet naman ni shao! kakakilig naman ang inyong ka-sweetan sister.:D basta wag ka lang mainip at darating din siya. hehehe

stay in love always :)

 
At 1:08 PM, Blogger NV said...

Talagang hindi ka tatablan ng bala kasi bago pa man mangyari yun, sisiguraduhin ko na AKO muna ang tatamaan at hindi ikaw;)

 
At 5:24 PM, Blogger Summer Fire said...

CJ and ARCHER:
a perosn like NV is worth waiting for :D

NV:
sabay tayong papabaril hehehe :D muah!

 
At 10:16 AM, Blogger tomas de aquino said...

Tuloy mo lang :P

Tomas De Aquino: Sa piling ng titik at titig

 

Post a Comment

<< Home