Wednesday, February 16, 2005

Minsan May Isang Batang Babae

Image Hosted by ImageShack.us Minsan, may isang batang babae...

Ipinangalan siya sa isang bulaklak. Pinalaking animo'y isang prinsesa. Pinangarap niya ring maging "Little Miss Philippines". Ngunit siya ay natalo. Ayos lang.. Konsolasyon niya ay isang bagong barbie doll.

Minsan, may isang batang babae... Image Hosted by ImageShack.us

Kung bihisan siya'y daig pa ang isang manika. Ang buhok niya ay nakatali sa dalawang pony tail. Bawat tali ay may ribbon na kulay pink. Lagi siyang pinakakanta sa harap ng mga bisita. Pinasasayaw sa saliw ng musika ni Madonna.

Minsan, may isang batang babae...

Nagka-boypren siya ng apat. Hindi pa kasama doon ang tatlong ka-fling. Kinilig, tumili sa mga pelikula ni Rico Yan noon at ni Piolo Pascual ngayon. Pinangarap na maging Bb. Pilipinas Universe. Kung hindi, pwede na rin ang makapag-asawa ng kahit PBA player.

Image Hosted by ImageShack.us Ngayon ay may isang babae...

Babaeng pinapangarap ng kahit na sinong lalaki. Mapungay ang mga mata, mapula ang mga labi, mahaba ang buhok, mabini ang kilos...

Naglalakad sa isang landasing tila walang hanggan. Patungo sa isang kinabukasang puno ng magaganda at matatamis na mga pangarap.

Tanging baon sa paglalakbay ay pag-ibig...

Mahigpit.. damang-dama ang init..

Kahawak-kamay ang minsa'y naging isang batang babae... Image Hosted by ImageShack.us

7 Comments:

At 7:36 PM, Anonymous Anonymous said...

sino kaya ang "minsa'y naging isang batang babae"? lol. nice entry..

-aRraH

 
At 8:35 PM, Blogger Summer Fire said...

^^ hehe wala, fiction lang po. thanks arrah :)

 
At 6:59 PM, Anonymous Anonymous said...

eh di ba ang fiction is partly based on something real? di ba? di ba? *grinz* hehe.. oh sya, sya.. sige na nga fiction na nga itetch. lol. joke. ingatz po lage. *smiles* -aRraH

 
At 6:06 PM, Blogger Summer Fire said...

^^ lol loko ka talaga! fiction lng po tlaga. hehehehe

 
At 6:25 PM, Anonymous Anonymous said...

ahehehehe.. :) sensya na hyper ang anghel na montik ng mamatay nung valentine's day. lolz. *grins* nyahahaha.. ingatz po lage. *winks* -aRraH

 
At 7:58 PM, Blogger Summer Fire said...

ikaw kc ang anghel na pasaway! lol

 
At 7:59 PM, Anonymous Anonymous said...

nice entry. love it!

DJ

 

Post a Comment

<< Home