Tuesday, February 28, 2006

A,

tomboy ka ng taon! hindi ka lang nagka-jowa na nang totoo, ikakasal ka pa ngayon! tomboy ka talaga! ang haba-haba ng fingers mo, ati! este ng her mo, as in buhok sa *toot* hahaha! :D

seriously, i'm so happy for you :D finally, hindi ka na obsessed sakin. nyahahaha! ang taray-taray! *inggit ako* hehe. naunahan mo pako, hmpft! hay, ganun ata talaga. yung mga garutay at malalandi eh napag-iiwanan. hahaha!

hindi nga... i wish you lasting happiness *hugsU* and i'm so proud of you and your partner for standing up against anti-gay marriages. hala, sige... iwagayway ang bandera ng katomboyan :D

love you, A (o, walang halong malisya 'yan ha!) and advance congratulations!

***

hmmm... kapag ako ikinasal...
sa tuktok ng Mt. Apo ang venue :D
kaya kung may willing sa inyo umakyat ng 3143 meters above sea level, itaas ang paa! *lolz*

at hoy, Amelia! akala ko pa naman ikakasal ka na din!
gaga ka talaga! naloka na sana ako na 2 katomboyan ang ikakasal!
tomboy! ako naman si shunga-shunga, naniwala.
nde pa naman April Fool's Day *irap*

Friday, February 24, 2006

Someone has sent me a smile

sayo na nagpadala sakin ng "smile" sa Friendster,


sabi mo, "nothing happened"
ang masasabi ko lang, MARAMING NANGYARI.
at isa na dun ay nawala ang TIWALA ko,

isang bagay na hindi na maibabalik pa.


ganunpaman, salamat sa ngiti.

pero kailangan natin nang mas higit pa roon.

Thursday, February 16, 2006

Image Hosted by ImageShack.us

I close my eyes
And dream of you and I
And then I realize
There's more to love than only bitterness and lies
I close my eyes ...

Wednesday, February 15, 2006

I am Minnie!

Thursday, February 09, 2006

Walang saysay na kamatayan

Image Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.us

Nakalulungkot... Nakakapanghinayang... Nakakainis... Nakagagalit... Nakakatakot...

...kung paanong ang napakarami sa mga Pilipino ay inaasa ang kapalaran at kabuhayan sa isang tila suntok sa buwan na pangako, higit sa lahat... sa isang GAME SHOW;

...kung bakit kailangang tiisin ng ilan sa atin ang puyat, pagod, gutom, at baho para lang magkaroon ng kakaunting salapi;

...na tila hindi lang kahirapan ang laganap sa bansa... kundi bulag na paniniwala at mapait na kamangmangan;

...kung paanong ang isang institusyon na sana ay nagtuturo sa mga tao ang siya pang naglagak sa kanila sa isang maling pananaw;

...kung paanong sa gitna ng isang trahedya ay nagagawa pang magturuan at magsisihan sa halip na tanggapin at harapin ang pananagutan;

...na alam kong lilipas ang mga araw at mababaon ang lahat sa limot sa pagdating ng isang bagong trahedya;

...na alam kong hindi pa rin matututo ang marami sa mga Pilipino pagkatapos nito.

Image Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.us