Thursday, March 30, 2006

binyag na ni Kahlil this Saturday! *talon-talon*
but i'm kinda kaba din. hihi!

Image Hosted by ImageShack.us

Thursday, March 16, 2006

Gay Life = Tragedy?

Image Hosted by ImageShack.us

haven't watched BROKEBACK MOUNTAIN, yet. wish i could before my birthday comes : )

anywayz, hemingweyz... nalorka lang akech ng slight sa chorvang ito ni Bernz about the movie:

If falling in a life-long love genuinely, loving and being loved in return, would always end up in a tragedy. So be it, then, let my life be tragic. Katulad din ng sinasabi ng ilan. Gay life has always been a tragedy in the making.

taas lahat ng fengerz ko sayo, atih! isama mo na ang fengerz ng lahat ng iba pang kashomboyan sa mundo : )

pero naisip ko lang... masyadong harsh naman ang statement na itech. but hey he hey ('ika nga ni Bernz), harsh naman din talaga ang mundo sa mga homosexuals. why not? at harsh din naman ang ibang homosexuals sa mga kapuwa nilang juding at kioms. lalo na pagdating sa usapin ng puson, este puso. for more!

"Gay life has always been a tragedy in the making..." OUCH. araguy. three points. sapul na sapul. ake
ch. kelan nga ba hindi naging tragic ang buhay ko? lalo na ang buhay-pag-ibig ko? hay hay hay. aray.

Friday, March 10, 2006

paano kung nagahasa ang mahal mo sa buhay?
hindi ba't masakit?
walang kasing-sakit?
aalamin mo pa ba kung saan siya hinalikan?
kung gaano katagal naglapat ang kanilang mga labi?
kung saan-saang parte ng katawan siya nahawakan?
kung paano hinimas ang binti, ang braso, ang dibdib, ang labi... na dapat ay para sa iyo?
aalamin mo pa ba kung ilang beses na naglabas-pasok ang demonyo sa katawan ng pinakamamahal mo?
aalamin mo pa ba?
dadagdagan mo pa ba ang sakit na iyong nadarama?
kakayanin mo ba?

Wednesday, March 08, 2006

Happy Women's Day

"Anybody who knows anything of history knows that great social changes are impossible without the feminine ferment"
~ Karl Marx

Image Hosted by ImageShack.us

Monday, March 06, 2006

Yosi

Image Hosted by ImageShack.us


para kang yosi

sa bawat hithit
lalong nakakaadik

sa pagguhit ng iyong usok sa aking lalamunan
humahalo sa aking dugo nang dahan-dahan
ramdam ko ang ligayang walang hanggan

sa bawat pagdaloy ng usok sa aking katawan
hinahaplos ang bawat kalamnan
hatid mo'y init sa lamig na nararamdaman

ikaw ang kasa-kasama
sa panahong nag-iisa
sa dilim ng gabi, sa nangungulilang umaga

ikaw ang yosi

na nagbibigay-sigla
sa damdaming patang-pata

ikaw ang yosi
na nais kong laging kapiling
na sa pantasya ko'y laging kasiping
ngunit sa buhay ko'y
unti-unti ring kumikitil.

Sunday, March 05, 2006


ano ang silbi ng pag-ibig
na hindi maipagmalaki sa daigdig?