Gay Life = Tragedy?
haven't watched BROKEBACK MOUNTAIN, yet. wish i could before my birthday comes : )
anywayz, hemingweyz... nalorka lang akech ng slight sa chorvang ito ni Bernz about the movie:
If falling in a life-long love genuinely, loving and being loved in return, would always end up in a tragedy. So be it, then, let my life be tragic. Katulad din ng sinasabi ng ilan. Gay life has always been a tragedy in the making.
taas lahat ng fengerz ko sayo, atih! isama mo na ang fengerz ng lahat ng iba pang kashomboyan sa mundo : )
pero naisip ko lang... masyadong harsh naman ang statement na itech. but hey he hey ('ika nga ni Bernz), harsh naman din talaga ang mundo sa mga homosexuals. why not? at harsh din naman ang ibang homosexuals sa mga kapuwa nilang juding at kioms. lalo na pagdating sa usapin ng puson, este puso. for more!
"Gay life has always been a tragedy in the making..." OUCH. araguy. three points. sapul na sapul. akech. kelan nga ba hindi naging tragic ang buhay ko? lalo na ang buhay-pag-ibig ko? hay hay hay. aray.
7 Comments:
sad nga. pero i'm sure ngayon lang yan. after some years [mga thousands? ay wag naman] magiimprove din ang sitwasyon sa earth na ito hindi lamang para sa LGBT group [let's not call it third sex because there's not even such thing as first sex. let's not oppress ourselves ate ^-^] kung hindi para sa lahat ng marginalized groups. talaga lang most of the time eh nawawalan ng compassion ang mga tao para sa kapwa nila tao [hayop, kalikasan and the like], pati na rin sa mga sarili nila [at since tao tayo, kasama tayo dun]. and so you are a lesbian pala. you know i fell in love with a lesbian, recently lang. waaaa. wala lang shinare ko lang. but i don't think I'm a lesbian [nagdisclaim bigla? ahehe]. bi siguro. anyway, yun lang. have a nice day. sana nga mapanood mo na brokeback. gwapo nilang dalawa. hehe.
^^ hehe. cge, if ur not comfortable with the term, "third sex" edi wag natin gamitin, inedit ko na for you ; ) ako kasi, i don't really mind naman. i don't feel discrimminated by just a group of words. confident at proud naman kasi ako for what i am kaya dedma ako sa mga ganyang chorva. i don't feel oppressed whatsoever, hehe : )
well, i do think na darating ang panahon na mas magiging open ang society natin for homosexuals. pero ung tuluyang tatanggapin, malamang malabo talaga. sad pero ganun talaga. nde naman kc natin mai-expect na lahat ng tao ay kayang intindihin ang mundo ng mga bakla at tomboy.
yes, i am a lesbo. nde mo pa pala napansin nung una kang dumalaw : ) hmmm, ako i don't believe in bisexuality eh. sorry ha? hehe. for me, it's either you're gay or you're not. di bale, in time mare-realize mo naman din kung ano ka talaga eh. sa ngaun, enjoy ka lang. pero sana, in the process of "finding your place under the sun" eh wala kang masaktan, hane? ; )
re: brokeback... sana nga mapanood ka na. hay.
hay, i feel so restrained dahil hindi ako out. i envy you
Yeah, tragic nga kasi kahit na sinasabi nilang acknowledged na ang mga homosexuals pero anjan pa din ang prejudice eh. hindi talaga tuluyang matatanggap ang 'third sex'.
live your life kung ano sa tingin mo ang tama. wag ka pa-apekto sa mga komento ng iba. paki ba nila. :D
di ko pa din napapanuod ang brokeback mountain, pero nabasa ko yong umpisa nung short story nya kanina sa national bookstore. hehe.
yup right it is "tragic" (like boulder-like pangs in the chest) and we still get to hang on to it,ironic huh; are we masochists? or is it the fear of being "in the third genre of sexuality" would get us (our relations) nowhere, because society dictates so? haha, think i have learned to outgrow the idea; but the pangs? sigh, just wouldn't go away.
naloka naman ako biglang may sumngit na ¨free porn kembot¨ sa usapan .. anywyas .. eto masasabi ko .. naka reli ako ng slight sa sinabi nun ni berns dahil nuong unang panahon (mga 3 years ang nakalipas) ay nag away kami ng tatay ko as usual. Ang pinagkaiba lang sa away namin e sa unang pagkakataon hindi ako nakatalak ng rebuttal sa sinabi niya saken: ¨tinanggap na kitang maging bakla, pero ang sinasabi ko lang saýo, umiba ka naman sa ibang mga tulad mo! wag kang mabuhay sa ilusyon para hindi ka mamatay na mag-isa!¨ .. ang saket! pero true! .. basta to cut this short, iba kasi ang culture ng gaydom sa atin, ilusyon talga. parang hindi ka ¨in¨ if you are ¨out¨. basta ewan! parang with our acceptance of our being gay parang hinatulan na natin ang sarili natin sa isang buhay na pagpapanggap na masaya kahit hindi naman. pero kebs! i chose to come out (nananalig kasi akong u cannot choose to be or not to be gay coz ur gay when u are) ... and i´ll be proud to be gay ´till i die kahit na sad! choz! (bow)
im back balakubak!!!! hehehe
Post a Comment
<< Home