Friday, June 09, 2006

Isang araw, magigising ka na lang na nangyari ang isang bagay na hindi mo inaasahan.


Naputol ang pising sa inyo'y nagdurugtong.


Ang dati mong pag-aari, sa isang iglap ay hindi na iyo.


Kakaiba ang pakiramdam. Ngayon ay halos hindi mo na makilala ang minsan ay naging bahagi ng dugong umaagos sa iyong katawan.


Hindi mo alam kung ano ang dapat maramdaman.


Sinubukan mong tumawa. Ngunit ang halu-halong damdamin na lumulukob sa iyo ay ginawang bahaw ang tunog ng iyong halakhak. Malakas ngunit walang alingawngaw.






: (

3 Comments:

At 7:23 AM, Blogger Soul_Seeker said...

:(

Broken-hearted ka rin? Take it easy.

 
At 7:20 PM, Blogger Summer Fire said...

nah... just a lil depressed.

 
At 3:17 PM, Blogger Alex said...

bigla ba daw ako naka relate..

 

Post a Comment

<< Home