another (bad)trip
i had to rush transcribing my tapes pagdating ko ng Martes ng gabi sa office. potakte talaga! walang pahinga kung walang pahinga! sa lagay na yun, nagsuka pako at hilo-hilo galing sa byahe nung hapon. sanay nako sumakay ng eroplano (maigas! panong hindi???) at barko/bangka/pumpboat/and what-have-you's pero hindi ko alam kung bakit talaga nakisabay ang sama ng pakiramdam ko noon. sa eroplano pa lang, nararamdaman ko nang may lalabas sa bibig ko any monument. hinanda na nga ni Xtian ung motion discomfort bag. hehe.
Tuesday night, wala nakong maayos na tulog. nilalagnat nako. Wednesday night, wala pa rin kahit sandaling idlip. natapos akong mag-edit pasado alas-7 na ng gabi. inayos ko pa ang graphix ng script ko at mga ilan pang ani-anik bago ako umalis ng office. at sa lagay na yun, flight namin nang alas-5 ng umaga ng Huwebes! at hindi pako nag-iimpake ulit!
nakauwi ako sa apartment pasado alas-10 na. tapos, nag-impake nako. sa mga ganitong pagkakataon, mararamdaman mo ang halaga ng may special someone ka para tumulong at umalalay sayo. sa pagkakataong yun, naramdaman ko ang halaga ng may tumutulong sa pag-iimpake ko. sigh... (thought bubble: "utusan? yaya?" *loughing out loud*)
Thursday, October 21
** nag-dolphin-watching kami sa Bais Bay. mejo malas-malas nga lang at mailap ang mga dolphins nung oras na yun. nagpakita naman sila samin pero sobrang malayo. hindi sila nakipaglaro sa bangka namin tulad nang inaasahan (well, as they always do everytime may dolphin-watching sila dito). magtatanghali na kasi kaya ayaw na nilang lumitaw masyado sa tubig. mataas na kasi ang sikat ng araw at mainit. sayang... :(
** after, nagpunta kami sa sandbar sa gitna ng Bais Bay. ang ganda dito. napakalinis ng tubig, even cleaner than the water sa sandbar sa Boracay (sabi ng guides). sarap sanang magswim kaya lang, masyado kaming minamadali ng mga kasama namin.
** next destinations: St. Paul College (1st ever St. Paul sa buong bansa), Siliman University (sa wakas, yun pala yun! lagi kong naririnig eh. kala ko nga dati, part ng UP system [pano katunog ng "Diliman".. bwahahaha! *bobo mode*]), at Foundation University sa Dumaguete City. ang daming universities dito sa Dumaguete, in fairness. kaya nga daw tinawag na "University Town" itong Dumaguete.
Friday, October 22
** nanood kaming Buglasan Festival sa gymnasium chorva nila. in fairness, mas nagustuhan ko sya kesa dun sa Masskara festival ng Bacolod.
** after manood ng competition, tinakbo namin pabalik ang Bais City (which is an hour away from Dumaguete. tapos flight namin pabalik sa Manila eh 2:25pm. at pasado alas-10 na noon, so gudlak!). may kelangan pa kasi kaming i-shoot na hindi namin nagawa nung Huwebes dahil sa pagmamadali samin. binalikan namin yung watchtower nila doon. kahit ngarag, mejo worth the hassle naman kasi ang ganda ng view from there. tanaw na tanaw ang buong Bais Bay pati yung sandbar. ganda....
** pinilit pa kaming mananghalian ni bais Mayor sa kanila. sige, sige... sabi namin eat and run na lang dahil nga mag-aaala-una na nun at flight namin ng 2:25pm! buti naman at cool si Mayor. may pabaon pang danggit! hehe.
** at tulad ng sabi ni Mayor, hindi daw kami male-late kasi late ang Air Philippines ever. at hindi nga sya nagkamali! dumating kami sa airport a few minutes after 2pm at ni wala pa nga yung eroplanong sasakyan namin! haha... hay naku... go Cebu Pacific!
hmm... bakit nga ba badtrip din ang byaheng ito? well, for one... hindi masyadong happy ang mga nagpakitang dolphins. tapos mejo kainis pa yung mga kasama namin. at yun nga, ngarag-ngaragan dahil sa inihabol na shoot na (maiwan na kami ng eroplano pero DAPAT kong makunan! God... ayoko nang mabembang na naman ng EP namin noh! lolz). tapos may isang tao pa na apat na araw anng hindi ako kinakausap! naman... naman...
hay... sana yung susunod na trip namin eh hindi na katulad nitong huling dalawa. sayang naman ang byahe kapag hindi nae-enjoy....
*****
Word for the day:
mabembang - ma-chaka, mapagalitan, mapintasan, masermunan, masabunan, at lahat na ng nega!
Share Ko Lang...
Sex actually relieves headaches. A lovemaking session can release the tension that restricts blood vessels in the brain. >>>> hmm... ito yata kailangan ko nung mga nagdaang araw...
Smile ka naman dyan!
"Let's give them a big hand of applause."