Panaghoy
Nais kong lumayo sa mundong ito
na puno ng hinagpis, hirap, at sakit
Gusto kong lumaya
mula sa madilim na bilangguang aking kinalalagyan
Humalagpos sa gapos
ng tanikalang bumibilanggo sa aking katawan
gapos na sumasakal, pumapatay sa aking puso at isipan
Nais kong kalimutan
lahat ng ala-alang
masakit, mapait, at sumusugat sa katauhan
Humiwalay mula
sa mga pagkakasalang
dumudungis, kumikitil sa aking kaluluwa
Nais kong umahon
sa kinasasadlakang bangin
ng mga dusang tila walang hanggan
At ihimlay nang tuluyan
yaring pagal kong katawan...
2 Comments:
hindi ko matarok ang iyong pananagalog. *kindat*
maganda ang pagkakagawa ng tulang ito, pero sa tingin ko hindi pa din napapawi ang hinagpis na nasasa puso mo? tama ba ako o ito'y marahil guni-guni ko lang?
pati tuloy ako naimpluwensyahan na, na managalog. hehehe..
kudos! ganda ng tula mo.
-aRraH
^^ hehe... actually mas at ease ako magsulat in filipino. mas gamay ko yung language. bec my english vocabulary is carabao english, you know lolz
salamat naman at nagustuhan mo ^_^ matagal na yang poem na yan actually. highschool pako. mejo inedit ko na lang.
Post a Comment
<< Home