ako, WALA na.
yes yes show! hindi po kayo namali ng basa. ang lola nyo ay isa ng operada. hanggang ngayon nga, hindi ko matanggap kung bakit ang isang napakaliit na bagay (about 10 cm) eh nagdulot ng matinding sakit at paghihirap at napakalaking gastos sakin.
i've always had that attack - painful tummy, vomiting, LBM. noong una, hyperacidity lang ang sentensiya. papaano, mahirap talagang maging normal ang lahat kapag nasa media ka. ang pagtulog, paggising, pagkain, at takbo ng buhay mo, abnormal. paminsan-minsan, pati yata ang takbo ng pag-iisip ko :p at dahil naging normal na sakin ang pagiging abnormal, kebs na ang pagsakit-sakit ng tiyan/sikmura (hindi ko na nga talaga alam kung saan nanggagaling ang sakit). iinuman lang ng pain reliever, kinikeri na, work mode na ulit.
until came that fateful day...
july twenty eight, twenty O five. around seven in the morning. pagkatapos kong kumain ng agahan sa opisina, inatake na naman ako ng pagsakit ng sikmura na sinabayan ng pagsusuka at LBM. dedma. feeling ng lola nyo, kaya ng powers nya kaya kayod pa rin. kaya lang, sinabayan pa ng mala-ice age na singaw ng aircon ang samu't saring sakit na nararamdaman ko kaya itinaas na ang puting bandila. nagsabi nako sa superiors ko na uuwi na. mga bandang 11:00am na nun.
pero hindi ako dumiretso ng bahay. nagpasya akong wakasan na... ooops, hindi ang precious life ko ha, kundi ang matinding paghihirap. hehe. went to the hospital, instead.
rewind rewind muna... last june, inatake na rin nang sobrang tindi ang lola nyo kaya may-i-sugod na rin kami sa hospital nun. sa resulta ng blood test, may infection na daw ako sa dugo kaya pinayuhang magpa-admit at magpa-ultra sound to see kung tama ang hinala nila na appendicitis na nga ang problema. pero dahil nagmamaganda, dinedma ang doktor. paano kasi, nawala ang pain after tumungga ng pampahilab. and for more pagmamaganda, pumasok pa sa trabaho.
and so, after more than a month, natuloy ang bitay...
feeling ko, na-rape ako ng 3 beses. well, feeling ko lang naman. eh filingera naman talaga ako *lol* unang insidente ng panghahalay... kailangan ko raw magpa-TRANSVAGINAL ULTRASOUND, maliban sa whole abdomen at yung ultrasound for appendicitis. importante raw yun to see my insides better. trans-va-gi-nal... hmmm, tunog pa lang, pinagpawisan nako nang malamig. hindi naman ako ako T, as in capital TANGA, para hindi matunugan na they will have to insert the instrument through my you-know-what! UH-OH... nginiiiig to the bones ang lolah nyo. tapos na ang maliligayang araw ng pagiging "Huling (Lesbianang) Birhen sa Lupa". nyahahaha!
at para lalong pabigatin ang sentensiya - ang doktor na mag-uultrasound... isang napakalaking MAMA, as in LA-LA-KI [na malaki talaga for 5 feet 6 inches plus plus (sa tantiya ko), compared saking nagpapanggap na 5 feet haha!] mala-rock star pa ang pagka-long hair ng lolo nyo with matching white highlights courtesy of old age. and for more special effect, balbas sarado pa itowh! parang gusto kong tumakbo palabas ng ultrasound room. pero may magagawa pa ba ako? wala namang ibang available na doktor that time kundi siya kaya't pikit-mata ang lola nyo na naghubad ng pantalon at undie nang utusan nang, "hubad!". and the rest is history... (soundtrack ng buhay ko noon: tell me where it hurts now, baby...)
ikalawang insidente ng panghahalay... syempre, pinagpalit ako ng hospital gown bago kami pumasok ng OR. hubad lahat ng damit at underwear maliban sa panty. pero ang maganda, paggising ko... hospital gown na lang ang suot ko! saan napunta ang undie ko??? and for more, para 'atang nashave nang slight ang chorva ng lola 'nyo! toink! haaaaay... sana lang, babae ang nurse na gumawa ng lahat ng 'yun. huhu...
ikatlong insidente... ikalawang araw ko sa ospital. nahirapang jumingle bells ang lola nyo. so kelangan daw ako lagyan ng catheter. another uh-oh! i heard, masakit yun at doon na naman sa you-know-what papadaanin ang tubo. at sa swerte ko talaga, hindi ako nagkamali... ARAAAAY! at umagos ang luha kasabay ng pag-agos ng wiwi sa catheter... (pasensya kung mejo gross lol)
akala ko, magiging normal na ang lahat pagkatapos matanggal ang laman ng apdo ko. pero hindi pa rin pala. dapat, makalalabas nako ng hospital ng Linggo, but no! lalo atang nagdrama ang apdo at labasan ng wiwi ko. ang sabi ng doktor, epekto raw ng general anaesthesia na itinurok sakin nung operation. so i had to stay for another day for observation. at ang verdict... kelangang malagyan ng polycatheter (permanent one, yung una kasi ikinabit lang then tinanggal din agad after mailabas ang urine).
and so, pikit-mata ko na namang hinarap ang kalbaryo ng pagkakabit ng catheter... crayola na naman tuloy ang drama ng lola nyo. wala pa, ngumangawngaw nako (ng slight lang naman hehe), expecting the pain. pero nagulat ang byuti ko nang wala akong naramdaman pagkapasok ng catheter sakin! vakeeet??? *esep-esep* pero maya-maya, wala pang limang minuto eh dahan-dahan nang gumapang ang kirot sa chorva ng lola nyo! maigas! hanggang nararamdaman ko na pati ang sakit sa puson ko (o, bawal madumi ang isip ha! huh!) hanggang sa crayola to death na ang drama ko. AS IN! ngawa kung ngawa! kebs sa mga kasama ko sa kwarto. nakita ko nga naiyak ang kapatid ko. ang mama at papa ko, nataranta nang slight kasi sumisigaw na ang lola nyo na tanggalin na ang catheter. at parang kinakatay na baka sa pag-crayola. pero ano raw ang magagawa? eh ganun talaga raw hanggang hindi lumalabas ang wiwi.
but no! maya-maya lang, nafeel ko na ang pag-agos ng wiwi. pero hindi sa catheter, kundi sa likod ko! pakingsheyt! it turned out, mali ang pagkabit ng catheter. %&*^%$##@*!!! how b*b* can these nurses get (na later on eh nadiscover kong interns pa lang pala)? hirap talaga sa mga ospital natin dito sa Pinas, may sakit ka na nga gagawin ka pang guinea pig! sheyt talaga! sheesh. considering na private hospital na yung ospital ko na yun. geezwiz...
hemingweyz, ok naman na ang lola nyo ngayon. sabi ko nga, alive and pagiling-giling! hahaha! sa awa ng Diyos, balik trabaho agad after 2 weeks. kailangang kumayod dahil walang pambiling lip gloss lol at eto nga, kagagaling lang Dagupan at Baguio :)
lesson learned from the experience... wag magpanggap na birhen! nyahahaha! *rotflmao*
ay basta, ang mahalaga ay nagbalik nako. kahit bcbchan nga lang. hehe. will post more relevant article next time lolz