Tuesday, December 21, 2004

mismas

Santa Claus: A Physicist's Perspective

Image Hosted by ImageShack.us
I. There are approximately two billion children (persons under 18) in the world. However, since Santa does not visit children of Muslim, Hindu, Jewish or Buddhist religions, this reduces the workload for Christmas night to 15% of the total, or 378 million (according to the Population Reference Bureau). At an average (census) rate of 3.5 children per household, that comes to 108 million homes, presuming that there is at least one good child in each.

II. Santa has about 31 hours of Christmas to work with, thanks to the different time zones and the rotation of the earth, assuming he travels east to west (which seems logical). This works out to 967.7 visits per second. This is to say that for each Christian household with a good child, Santa has around 1/1000th of a second to park the sleigh, hopout, jump down the chimney, fill the stockings, distribute the remaining presents under the tree, eat whatever snacks have been left for him, get backup the chimney, jump into the sleigh and get on to the next house. Assuming that each of these 108 million stops is evenly distributed around the earth (which, of course, we know to be false but will accept for the purposes of our calculations). We are now talking about 0.78 miles per household; a total trip of 75.5 million miles, not counting bathroom stops or breaks. This means Santa's sleigh is moving at 650 miles per second --- 3,000 times the speed of sound. For purposes of comparison, the fastest man-made vehicle, the Ulysses space probe, moves at a poky 27.4 miles per second, and a conventional reindeer can run (at best) 15 miles per hour.

III. The payload of the sleigh adds another interesting element. Assuming that each child gets nothing more than a medium sized Lego set (two pounds), the sleigh is carrying over 500 thousand tons, not counting Santa himself. On land, a conventional reindeer can pull no more than 300 pounds. Even granting that the "flying" reindeer could pull ten times the normal amount, the job can't be done with eight or even nine of them --- Santa would need 360,000 of them. This increases the payload, not counting the weight of the sleigh, another 54,000 tons or roughly seven times the weight of the Queen Elizabeth (the ship, not the monarch).

IV. 600,000 tons traveling at 650 miles per second creates enormous air resistance --- this would heatup the reindeer in the same fashion as a spacecraft re-entering the earth's atmosphere. The lead pair of reindeer would absorb 14.3 quintillion joules of energy per second each. In short, they would burst into flames almost instantaneously, exposing the reindeer behind them and creating deafening sonic booms in their wake. The entire reindeer team would be vaporized within 4.26 thousandths of a second, or right about thetime Santa reached the fifth house on his trip. Not that it matters, however, since Santa, as a result of accellerating from a dead stop to 650 m.p.s. in .001 seconds, would be subjected to centrifugal forces of 17,500 g's. A 250 pound Santa (which seems ludicrously slim) would be pinned to the back of the sleigh by 4,315,015 pounds of force, instantly crushing his bones and organs and reducing him to a quivering blob of pink goo. Therefore, if Santa did exist, he's dead now.


My Mismas Wishlist (eherm! eherm!) Image Hosted by ImageShack.us

malamang sa mga oras na ito eh nakabili na kayo ng regalo nyo para sakin. pero hindi naman masamang mangarap diba? haha! post ko pa rin ang aking mga pangarap sa buhay *wide grin*

1. tv for my room (dapat lang ata may tv nako kasi may dvd player nako. Wala naman atang silbi yung player ko kung walang tv lol)

2. kama! kama! kama! hanggang ngayon sa kutson pa rin ako nakahiga eh *sniff* tsaka dagdag na unan, kumot, pillow case, at bed sheet na rin hehehe!

3. bagong cel! ang shopakin kung cellphone, mana sa may-ari! nyahaha!

4. cd player. oh yes! wala pakong cd player. how sad :(

5. bagong rubbershoes

6. new pair of black boots

7. iba pang abubot sa bago kong room (na sobrang hubad pa rin hanggang ngayon) para naman magkabuhay sya, like aircon, personal ref, hmmm ano pa ba? Wahahaha! :))

8. bagong undies, preferably white and black wehehehe! tagal ko na ring hindi nakakabili ng bago (ten years na ata? *loughing out loud*)

9. pc para malubos ang pag-iinternet. bulok kasi ng server sa office eh. at para pwede akong gumawa ng skrip ko sa apartment.

10. roommate!!! apply na kayo daliii!!! purely business lang, ok? ;) haha!



This year, natutunan ko na...


1. wag basta-basta magtitiwala.

2. no matter how much you love someone, you can never force them to stay.

3. no matter how you gave your all, it will never be enough for some.

4. it is easier to be wise for people than to be wise for ourselves.

5. kahit ano pa ang mangyari, ang magulang ay magulang pa rin.


6. ang hirap maging lesbiana, you have to deal with PMS twice a month! hahaha!


7. mahirap mabuhay nang independent! paksyet! :))

8. may takdang panahon ang paghilom ng sugat. hindi pwedeng madaliin. masakit pero kailangang tiisin.

9. NEVER ever say words you don't really mean.

10. sa huli, walang ibang makakatulong sakin kundi ang sarili ko.

11. masarap maging single...

12. PERO malungkot ang mag-isa.

13. love makes the world go round

14. and damn! money, too!

15. hindi magandang magkimkim ng galit at sama ng loob sa kapwa. ikaw din ang mahihirapan.

16. PERO tao lang ako... mahirap magpatawad. lalo na kung hindi hiningi sayo.

17. KARMA continues to work. kahapon, pinatid nya ako - nahulog ako sa putikan. ngayon, sya ang unti-unting lumulubog sa kumunoy *wide grin*

18. love your work. (in connection to Karma... haha! buti nga! buti nga!) bukas, ako na ang nasa taas.

19. mahirap hindi maging bitter... :))

20. mag-ingat sa magnanakaw.

Sunday, December 19, 2004

random thoughts


nakakainis.


andaming posts ko na nawawala. nung una, yung post ko na may song na Manic Monday. ngayon, 3 posts na naman ang para na lang bulang naglaho. yung isa pa naman eh yung very first entry ko. yung isa eh yung pangatlong entry. napansin ko lang na nawawala yung 3 nang magpalit ako ng template. gusto kong magwala sa inis (wahahaha exag!) pero totoo... gusto kong magwala. i wrote a letter to the administrator regarding these missing posts. sana magawan ng paraan o masabi man lang sakin kung ano problema.

lesson learned: keep a copy of your posts.

paksyet!

*****

nung mamatay si FPJ (may God bless his soul), parang biglang nawala sa eksena ang mga kababayan nating sinalanta ng nagdaang bagyo. all eyes sa trahedyang nangyari sa muntik nang maging Presidente ng Pilipinas. sya at sya na lang ang laman ng balita.

lalo tuloy ako nalulungkot...

*****

buti na lang talaga hindi nanalo si FPJ (wag po sana akong multuhin). kung nagkataon pala, presidente na ngayon si Noli.

matitiriple lungkot ko kung ganun nga nangyari. matindi pa sa pinakamatinding bagyo ang dadanasin ng Pilipinas pag nagktaon.

*****

grabe... 6 na araw na lang Pasko na! bakit ganun? dati, pagpasok na pagpasok pa lang ng BER months, ramdam na ramdam mo na yung Pasko. ngayon, wala nang isang linggo, parang next year pa yung Pasko?!

sad... sad... sad...

*****

nanalo ako ng dvd player sa xmas party ng buong network nung Friday.

ad.... sad.... sad...

wala naman akong tv!!!

sana cash na lang.

*****

hay... ang tao talaga, hindi nakukuntento.

bakit nga ba hindi na lang matutong magpasalamat sa kung anong meron? hindi yung hanap nang hanap ng wala?

sabi nga, count your blessings.

*****

isn't it ironic?

the person who is my source of joy is the very same person who causes my ultimate pain.

*****

tama na nga muna. kailangan ko nang umalis papuntang vigan.




Monday, December 06, 2004

istokwa

Image Hosted by ImageShack.us

Mahigit tatlong buwan na mula nang "lumayas" ako sa bahay namin sa novaliches... dahil sa cellphone charger. yep, dahil sa charger. well, yun ang pinakamababaw na rason. ayaw ako pahiramin ng magaling kong kapatid ng charger. i will not dwell much on that. hindi ko na ikukuwentong halos magkapatayan kami ng kapatid ko dahil sa lintik na charger. hindi ko na sasabihing nagkapasa ako nang matindi at maraming gasgas at kalmot na naabot dahil sa pag-aaway na yun. sheesh... ang pinakamalalim na rason? hindi ko lang maramdaman na mahalaga ako sa bahay, sa pamilya ko. yun lang naman. hindi ko naman hinihiling na magpa-party sila o bigyan ako ng medalya o tropeo, pero sana man lang eh i-recognize nila kahit papaano ang mga tulong o mga nagagwa ko para sa kanila. ang kaso, hindi eh. kahit gaano pa ang pagibibigay ko nang lahat-lahat ng makakaya ko (madalas pa nga eh higit pa sa makakaya ko), laging kulang para sa kanila. tingin nila, pinagdadamutan ko sila. tingin nila, pinagkakaitan ko sila. nakakalungkot. nakakaiyak. napakasakit sa loob... sa puso.

kung tutuusin, marami akong dahilan para umalis na sa bahay noon pa. maraming dahilan para iwan ko na sila noon pa. pero hindi ko ginawa. dahil nananaig sakin ang awa at pagmamahal ko sa kanila. marami akong pangarap para sa pamilya ko. marami akong gustong gawin at ibigay. kahit na alam kong hindi na dapat...

pero nanatili ako sa bahay. at patuloy na nangarap para sa kanila. nanaig sakin ang pagiging anak. at kapatid.

oh well... tama na ang drama. hindi rin naman ako perpekto. at naging sutil din namang anak. isa pa, tapos na ang iyakan. wala na ang mga pasa... ang mga galos... ang mga gasgas...

umuwi ako samin kahapon. makaraan ang mahigit tatlong buwan, umuwi rin ako samin, sa wakas. eh ano pa nga ba? nami-miss ko na sila... si Papa, si Mama, at ang nakababata kong kapatid na babae.

mag-aala-una na nang madaling araw nang dumating ako sa bahay. tulog na silang lahat. halos walang nabago sa ayos ng bahay. nairita ako sa nadatnan kong mga kalat. natawa rin kahit papano. naiutal ko, "panong hindi makalat nang ganito eh wala ako para magligpit?"

pag-akyat ko sa taas, nagising sina Mama. pero hindi na kami nagkita kasi nasa kabilang kwarto nako, sa kwarto namin ng kapatid ko. sinigurado lang nila kung ako nga ang gumagawa ng mga kaluskos.

kaninang maagang-maaga pa, naalimpungatan akong ginigising ako ni Papa. tinatawag nya ang pangalan ko. pero hindi ako nagmulat ng mga mata ko. masyado pa kasi akong antok. hindi rin ako kumilos. narinig ko pang sinuway ni Mama si Papa sa panggigising sakin. pagkatapos nun, wala nakong matandaan.

paggising ko nang tangahali, wala na si Papa. nagpunta raw sa Makati, sa parlor ng tita ko dahil may ipapaayos. at naluha ako sa ikinuwento ni Mama tungkol kay Papa. ang kwentong hindi ko na namalayan kanina dahil sa sobrang antok.

Papa: Shao... Shao...
Mama: anong ginagawa mo? bakit mo ginigising yan eh ang aga-aga pa?
Papa: eh syempre, miss ko na eh. miss ko na rin yang anak mo.
Mama: edi tingnan mo na lang habang tulog. wag mo an gisingin.
Papa: syempre, iba yung gising at nakakausap mo.

sayang... may shoot ako ng alas-4 kaya kinailangan ko na ring umalis pagkatapos kong mananghalian. hindi ko na nahintay pang makauwi si Papa. ni hindi man lang kami nakapag-usap kahit konti.

sina Mama at yung "evil younger sister" ko eh ang daming kwento. kulang yata ang maghapon para maikuwento lahat ng nangyari sa mahigit tatlong buwang hindi kami magkakasama.

pagsakay ko ng fx papuntang trabaho, halos mangiyak-ngiyak na naman ako. miss ko na rin pala ang pamilya ko. akala ko, hindi. miss na rin pala nila ako. buong akala ko rin, hindi.

*****

Word for the day:

istokwa - slang ng "stow-away"

Share Ko Lang:

sex is a beauty treatment. scientific tests find that when women make love they produce amounts of the hormone estrogen, which makes hair shine and skin smooth.

>> sige, pangangatawanan ko na ang pagsi-share ng mga sex facts dito. wag nyo po sana akong pag-isipan nang masama. sharing lang. *loughing out loud*

Smile Ka Naman Dyan!

a little girl goes to the barber shop with her father. she stands next to the barber chair, while her dad gets his hair cut, eating a snack cake. the barber says to her, "sweetheart, you're gonna get hair on your Twinkie." she says, "yes, I know, and I'm gonna get boobs too."

Saturday, December 04, 2004

Late Bloomer

Image Hosted by ImageShack.usSabi ng immediate boss ko sa trabaho, late bloomer daw ako. Palibhasa kasi, bente uno anyos na ako pero unang beses ko pa lang pumunta ng Malate para gumimik noong nakaraang Hulyo. Noon lang din ako nakapasok sa isang disco house. At sa maniwala man kayo o sa hindi, hindi pa ako nakapagpalipas man lamang ng oras sa isang bar. Higit sa lahat, isang beses pa lang din ako nagkakaboyfriend.

Hindi naman ako nerd at lalong hindi manang. Siguro dahil ang mga kabarkada ko nung highschool, yung mga tipo ko rin na masaya nang lilibot sa SM North para mag-window shopping, manood ng sine, at kumain, kung hindi man sa McDonald's na para na naming canteen, ay sa foodcourt para mas maraming pagpipilian. Kung hindi man, tatambay kami sa bahay ng isa sa amin para manood ng VHS at VCD at magkuwentuhan hanggang madaling araw. Mas mura ang ganoong gimik, mas may oras pa kami para makapagbonding talaga.

Ngunit higit sa mga nauna kong sinabing dahilan, tinawag akong late bloomer ng boss ko dahil sa isang pangyayaring nagpabago sa ikot ng aking buhay.

Isang buwan mahigit pa lang ang nakakaraan nang matuklasan ko ang ibang klase ng damdamin na meron pala ako...

Sa tingin ko, iniadya ng kapalaran. Nakilala ko siya at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba at sayang bumalot sa akin habang kausap ko siya. Para akong teenager na ngayon pa lang naranasang magka-crush. Super kilig. Yung ngiti ko, nakaplaster na ata hanggang makauwi ako ng bahay.

Ganun din naman ako kapag nagkaka-crush noon. Ganung-ganon... ang kaibahan nga lang ngayon, sa kapwa ko babae naramdaman ang lahat ng iyon.

Spontaneous lahat. Nakilala ko siya, nagustuhan, naging kami. Ni hindi ako nagdalawang-isip, hindi ako nalito sa damdamin ko. Hindi ko tinanong si Lord kung ano ba talaga ako – babaeng gustong maging lalaki o lalaking nasa katawan pala ng isang babae o babae lang pero babae din ang nagugustuhan. Sa buong buhay ko, ngayon lang talaga ako naging desidido. Walang pag-aalinlangan.

Buong buhay ko, ang alam ko, straight ako. Dami ko ngang crushes. Ang landi-landi ko nga, tulad ng pagkakakilala sa akin ng barkada ko. Kung niligawan nga lang ako ng lahat ng mga naging crush ko, malamang nagbilang din ako ng boyfriend. Hanggang sa makilala ko nga siya...

May kapitbahay akong lovers, matagal na sila. Nung elementary ako, yung ibang varsity namin, tibo. Nung highschool, may kaeskuwela akong kapag nalingat ang mga teachers namin, nagsusuot ng polo. Ngayong college, ate yata ng kaibigan ko, lesbiyana rin. Sa UP, may mangilan-ngilan kang masasalubong sa daan. Sa lansangan, minsan makakatabi mo sa dyip. Hindi ko sigurado pero parang homophobic pa nga ako noon. Hindi ako komportable sa mga stereotype nating tibo – gupit-lalaki, bihis-lalaki, tapos mataba. Para bang natatakot ako sa kanila. Nakakatawa dahil mapapabilang na rin pala ako sa kanila.

Malaking dahilan ng bukas kong pagyakap sa bagong mundong ito ang kultura sa UP. Lalo pa akong namulat sa tinatawag nilang third world nang sumali ako sa UP Rep (isang theater organization). Dalawang pares ng "mag-on" ang naabutan ko, dami ding bakla. Daming discreet-discreetan – pa-mhin pero pamhintang-buo pala, pa-girl pero girl din pala ang type. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na papasukin ko rin ang 'ikatlong mundong' ito, na hindi ko lamang siya basta iintindihin o itotolerate, kundi lubos na yayakapin.

Nakakalungkot nga lamang at wala na ang babaeng naging dahilan ng lahat ng ito. Pero ayos lang. Sabi nga ng mga kaibigan ko sa Peyups, "makakahanap ka rin ng katapat". Pero nalulungkot pa rin ako dahil alam kong hindi pa rin ako lubos na nauunawaan ng barkada ko. Alam kong iniisip nilang napagod lang ako sa palpak na mga pseudo-relationships ko noon sa mga lalaki. Alam kong iniisip nilang depressed lang ako sa lalaking pinakahuli kong pinag-ukulan ng espesyal na pagtingin. Iniisip nilang napagod lamang ako at naiinip na sa paghihintay kay Mr. Right. Pero paano ko ba ipaliliwanag sa kanila na hindi lamang ito isang phase o stage na aking pinagdadaanan? Paano ko ba papatunayang totoo, genuine ang nararamdaman ko? Paano ko nga ba ipaiintindi sa kanila ang isang damdaming hindi naman nila nararamdaman o naramdaman kahit kailan? Pero in fairness naman sa mga kaibigan ko, alam kong tanggap naman nila ako. Wala naman silang choice, eh. Alam ko namang mahal nila ako. Malungkot nga lang minsan at wala akong mapagkwentuhan. Paano ba naman, halos kalahati ng barkada ko, homophobic! Mabuti na lang, nakilala ko ang mga bago kong kaibigan dito sa Peyups – mga katulad ko din.

Masaya ako sa ngayon. Wala nga lang lablayp. Pero alam ko namang nandiyan lang siya sa tabi-tabi. Hindi naman din ako nagmamadali, bagama't naiinip na rin naman. Ang pag-ibig pa naman, puno ng kabalintunaan: Sa pag-ibig, ang matalino, nagiging tanga; ang tanga, nagiging matalino; ang matapang, nagiging maamo; ang mahina, lumalakas ang loob; ang matigas, napapalambot, ang malambot, napapatigas. Ang pag-ibig, kapag hinahanap mo, wala. Kung kailan sinabi mong, "Tama na! Ayoko na! Suko na ako!", tsaka naman dadating, nanunukso. Papatukso ka naman. Nawawala nga lang ang inip ko sa pagkakaroon ng lablayp kapag nagkukuwento ang ilan sa mga 'lez friends' ko. Para kasing mas kumplikado pa ang buhay-pag-ibig (bukod sa mismong buhay, in general) ng mga katulad ko. Para sa mga 'straight', isang malaking battlefield na ang pagmamahal. Para sa amin, triple pa ata ang hirap. Isipin mo na lang ang laki ng lipunang dapat naming labanan at ang kultura at mga paniniwalang kailangan naming salungatin.

Pero siyempre, hindi ko pa rin naman isinasara ang buhay ko sa mundong ito lamang. Gusto ko pa namang magkapamilya, magkaroon ng sarili kong mga anak. Ngunit alam kong marami pang mga mangyayari na maaring makapagpabago sa lahat ng mga plano at gusto ko sa ngayon. Kahit ako, hindi ko malinaw na nakikita ang kinabukasang nasa isang "normal" na buhay-may-asawa. Malay ko nga ba sa kinabukasan. Tinanong nga ako ng isa kong kabigan kung gusto ko pa raw bang magka-boyfriend. Para kasing nagpaparamdam ngayon yung lalaking gustung-gusto ko dati. Ang sagot ko, titingnan ko. Kasama pa rin naman silang mga lalaki sa choices ko. Kaya nga lang, sa ngayon ay tila lipas ang interes ko. Pasensya na lang muna siya... Better luck next time.

Noon, may kung ilang beses na rin akong nagtangkang magpakamatay. Pakiramdam ko kasi, wala nang nagmamahal sa akin, walang nakakaintindi. Kahit ako mismo, hindi ko na mahal ang sarili ko. Pero ngayon, sa bagong damdaming natuklasan ko na taglay ko pala, malayo nang kitilin ko ang sarili kong buhay. Mahal ko na ang sarili ko... lalo na ang mga babae sa paligid ko.



note: isinulat ko ang essay na yan more than a year ago na. na-invite kasi ako ng kada ko sa isang poetry night nila sa College of Engineering noon. kaka-OUT ko lang din nang mga time na yun. naisip ko, gusto kong sumulat ng isang essay about my "new-found identity" wehehe. kaya ayan... nasabi ko rin sa sarili ko na kapag nabasa ko ang essay na 'to sa harap ng maraming tao, it's somewhat a way of liberating myself na rin. nagawa ko naman at marami namang nagustuhan ang essay. a number of people for the audience even went to me para batiin ako. sabi nila, ang tapang ko raw para mag-come out sa public ng ganun. sabi naman nung iba, including a professor, maganda yung artik. tuwa naman ako syempre. after the poetry night, parang ng taas-taas na ng noo ko. noon ko lalong nasiguro na kaya kong panindigan ang "bagong mundo" na ito.

ipinasa ko rin sya sa Peyups.com. at luckily, na-publish naman sya last February 28 :-)


*****

wala po munang Share Ko Lang, etc... actually, madami kasi akong dapat gawin pa kaya nga ngayon ko lang din naharap ulit itong blog (at kaya nga sort of "republish" lang muna ako ng entry hehe). bcbchan sa trabaho kasi magpa-Pasko na. haggard kami ngayon sa Mismas episode namin na gagawin sa Enchanted Kingdom.