Monday, January 31, 2005

can i be your guardien angel?

would you want me to watch over you? would you want me to follow you all through your day and watch you at night while you dream away? would you want me to protect you from harm and keep you safe? would you let me into your life?

warrior

Your a Guradien Angel! Guardien Angels are also
knows as Warrior Angels, because they are the
army of God. Not always meaning that they are
in war, simply that their job is to protect
unwary humans from dark dragons, or other evil
demons. Warrior Angels are not always friendly
with humans, but they will watch over them all
the time. Humans say that when a miracle
happens, thank your guardien angel.


What Kind of ANGEL are you? (For Girls only) This Quiz has amazingly Beautiful Pictures!
brought to you by Quizilla

Saturday, January 29, 2005

quizzes

discover me through these quizzes... have fun! hehe (hindi naman ata ako masyadong nag-enjoy magsasasagot ng mga online quizzes! lol)



Your Element Is Water


A bit of a contradiction, you can seem both lighthearted and serious. That's because you're good at going with the flow - but you also are deep. Highly intuitive, you tune in to people's emotions and moods easily. You are able to tap into deep emotional connections and connect with others. You prefer a smooth, harmonious life - but you can navigate your way around waves. You have a knack for getting people to get along and making life a little more peaceful.


You Are a Dreaming Soul
Your vivid emotions and imagination takes you awy from this worldSo much so that you tend to live in your head most of the timeYou have great dreams and ambitions that could be the envy of all...But for you, following through with your dreams is a bit difficult. You are charming, endearing, and people tend to love you.Forgiving and tolerant, you see the world through rose colored glasses.Underneath it all, you have a ton of passion that you hide from others.Always hopeful, you tend to expect positive outcomes in your life. Souls you are most compatible with: Newborn Soul, Prophet Soul, and Traveler Soul



You Are 29 Years Old
29

Under 12: You are a kid at heart. You still have an optimistic life view - and you look at the world with awe.
13-19: You are a teenager at heart. You question authority and are still trying to find your place in this world.
20-29: You are a twentysomething at heart. You feel excited about what's to come... love, work, and new experiences.
30-39: You are a thirtysomething at heart. You've had a taste of success and true love, but you want more!
40+: You are a mature adult. You've been through most of the ups and downs of life already. Now you get to sit back and relax.






Tuesday, January 25, 2005

Sugat

Image Hosted by ImageShack.us mas masakit ang sugat na hindi nakikita...

kaya nga ba mas makirot ang mga isiping gumugulo sa utak kesa sa mga gasgas sa tuhod sa tuwing tayo'y nadadapa?

kaya nga ba mas mahirap kalimutan ang mga ala-alang mapapait kesa sa pagkapahiya natin noong tayo'y nasubsob sa lupa?

kaya nga ba mas tumatagos sa laman ang mga tarak sa ating puso kesa sa hiwa ng kutsilyo?

kaya nga ba mas mahirap kalimutan ang mga kabiguan at dalamhati kesa sa pagkawala ng mga peklat sa balat natin?

at ang mga sugat na hindi nakikita, habambuhay na nakaukit sa ating isip, puso, at kaluluwa... kaya mas masakit, mas makirot, mas mahapdi, at mas mahirap na burahin sa ating tanang buhay...

Thursday, January 20, 2005

off to Iloilo...

sa mga masugid kong tagasubaybay *lol*,

mawawala po muna ako ng ilang araw dahil ako'y tutulak papuntang Iloilo mamayang madaling araw. we'll be covering the Dinagyang Festival at magsa-side trip na rin sa Guimaras after. Iloilo is my mom's province. yes, Ilonga po ako. well, i prefer being called an Ilonga than Aklanon (my dad's from Aklan) hehe.

1998 was the last time i set my foot in this province. err nung gumawa pala kami ng segment about Masskara Festival nung October eh dumaan kami ng Iloilo City papuntang Bacolod. pero as in daan lang talaga yun. happy ako ngayon kasi talagang Iloilo na ang papasyalan ko.

excited nako! ^-^ mami-miss ko kayong lahat... hehe

Monday, January 17, 2005

buntis?

isang happy post this time...

maraming salamat sa mga nakisimpatiya sa pagda-drama ko nang mga nakaraang araw. sabi ko nga, just one of those days ^_^ eto muna... pangungulit lang.


Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us

^^ kuha ang mga 'yan last April 2004 during our Lovely Day opening bill board shoot. ang OBB po yung parang mtv sa umpisa ng show habang pinatutugtog yung theme song. wala pako sa Lovely Day noon. umepal lang sa shoot. hehe.

so ngayon, nakakita na kayo ng lesbianang buntis *loughing out loud* bagay ba?

Sunday, January 16, 2005

isang liham

sayo,

patawad ulit sa lahat ng sakit na idinulot ko sayo. sana isang araw ay maintindihan mo ring hindi ko sinasadya ang lahat... at salamat sa pagpaparamdam sakin na mahalaga ako sayo. sana ay maramdaman mo ring napakahalaga mo sakin.

sana ay maging maayos na ang lahat. hangad ko ang kaligayahan mo.

- shao Image Hosted by ImageShack.us

Thursday, January 13, 2005

LES talk!

Image Hosted by ImageShack.us


just had my dinner kasama ko ang ilang officemates. had adobo and in fairness, matino ang luto sa canteen ngayon. nabusog ako sa kinain ko. pati na rin sa usapan namin ng 2 sa ilang trusted friends ko dito sa opisina.

tawagin na lang natin silang BI at STR8 (read as "straight"). silang dalawa ang magkasama sa isang programa. si Bi ay may gf na nagtatrabaho din sa GMA. pareho silang femme (o "pink" 'ika nga ni Bi). pero akala ko dati SB (soft butch) itong si Bi. looks can really be deceiving. sheesh. eniweyz, eto ang ilan sa mga chikahan namin (mejo rephrased na kasi hindi ko na syempre maalala yung exact words at sentences kanina)...

bi:
kamusta?
ako: ang alin? *ngisi*
bi: lablayp ano pa ba?
ako: ah okey *ngisi ulit*
bi: kamusta na si ano...?
ako: sino? sino sa kanila? nyahahaha! (feeling madami)
bi: yung pinakita mo sakin dating picture.
ako: sino nga sa kanila? *laughs*
bi: *laughs*
ako: ang dami eh 'noh? hehehe... ayun... hindi ok. basta... hindi ok. *smiles* alam mo yung downelink?
bi: ano?
ako: downelink *spells*... yung friendster na pang-you-know.
bi: ah... oo... meron ka?
ako: kakagawa ko lang mga four days ago ata. grabe nga eh kasi everyday my invite. hehe.
bi: wow! talaga? mabenta!
str8: ang dami na ngang ganyan eh. may myspace pa.
ako: cute lang yung myspace at downelink kasi pwede mo i-customize
yung page mo. meron pa ngang multiply eh.
str8: ano yun? multiply? ang dami na nga.
ako: pare-pareho lang naman eh. ako ino-open ko lang myspace ko kapag may notification sa email na may message ako o friend request.

*fast forward*

bi:
so shao... ayaw mo na talaga sa lalaki?
ako: ha? uhmmm... wala na talaga ako interes eh. alam mo yun? yun bang sige naku-kyutan pa naman ako, kinikilig pero wala nang romance yung kilig. hindi ko na nakikita yung sarili ko na may bf.
bi: pero gusto mong magka-kids?
ako: parang ayoko din *laughs* i mean... not now siguro. hindi ko nai-imagine ang sarili ko na buntis *laughs*
bi&str8: *tawa tawa din*
str8: so hindi ka na talaga nati-turn on sa guys?
ako: anong klaseng turn on? *noti smile*
str8: yung ano... *laughs*
ako: err... hindi na talaga eh. pero yun nga. like nung monday, cute yung case study namin. pero gang kilig lang. ok sige cute sya. period.
bi: pero nagka-bf ka dati?
ako: oo.
bi: gano kayo katagal?
ako: 1 year and 4 months *tawa tawa*
bi&str8: *amused?* whoa!!!
bi: o... eh baka na-trauma ka lang.
ako: nyak... hindi noh. wala lang yun. para nga lang ldr yan. hindi seryoso. alam ko from the very start na maghihiwalay kami. hehe.

*fast forward*

bi:
hmm... may ipapakilala ako sayo. mga pink.
ako: nyak... ayoko sa femme eh. mas gusto ko butch.
bi: eh bakit? ayoko sa butch na butch kasi kung ganun edi sa lalaki na lang.
ako: mas keri ko pa yun kesa sa femme. baka magkulutan lang kami!
bi: eh kapag butch na butch para na ring lalaki edi sa totoong lalaki nako.
ako: anong parang lalaki? kahit butch na butch... babae pa rin yun!
bi: ang tawag ko kay ***** eh chickboy. ikaw chic ka lang eh 'noh?
ako: anong chickboy?
bi: pwede sa chick... pwede sa boy!
*laughter*
bi: so kahit gwapo tipong tipo mo talaga tapos mayaman ayaw mo talaga?
ako: hmmm... siguro kung tipong may-ari sya ng limang mall, pwede na! nyahahahaha!
bi: eh matandang intsik pala hanap mo eh! lolo na yun kung may-ari ng limang mall... si henry sy pala gusto mo eh!
*laughter*
bi: (to str8) kung ikaw ang papipiliin, mayamang butch o mahirap na guy?
str8: (nag-iisip) anong ugali nung guy?
bi: uhmmm...
str8: ay hindi! kahit gwapo pa o mabait yung guy... sa mayamang butch ako!
*laughter*
str8: naku 'noh. mahirap yung puro love lang. in these times, dapat may pera din kayo. pano kayo kakain? ano ipapaaral nyo sa magiging anak nyo?
bi: hindi na pwede ngayon na magsasama kayo tapos wala kayong pera.
ako: true!
bi: kay henry sy ka na lang! *laughs*
ako: pero kahit mahirap... sa babae pa rin ako!


if i die today...

would you cry?

erratum

sa January 10 post ko... "dalawampu't dalawang taon na inilalagi"... hindi po dalawampu lang hehe.

sa mga nagmamahal sakin... *kaway-kaway* mahal ko din kayo! *hugsU* pasensya na sa pagiging senti at mushy ('ika nga ni karla). just one of those days ^_^

at nga pala... due to insistent public demand hehe... well actually dahil sa pangungulit ng isang tao jan na ewan ko ba bakit ayaw sa tagboard na lang magcomment... ay in-allow ko na po ang ANONYMOUS comments sa aking comments section. ayan... sana masaya ka na! lolz

Wednesday, January 12, 2005

Image Hosted by ImageShack.us

sana'y masabi
sa awit kong ito
lahat ng ninanais
nitong puso ko

sana saan man
patungo sa buhay
may pag-ibig, may pag-asa
may saya at saysay

sana sa bawat sandali
matikman pa
sarap ng pagsasama
at simpleng ligaya

tara na sakyan lang
malay mo...
andyan lang
andyan lang
ang hinahanap mo

Monday, January 10, 2005

bagong taon

ito na ang pinakamalungkot na Pasko at Bagong Taon na nagdaan sa buhay ko. ito na rin ang pinakaproblemado (thus, pinakamalungkot na rin) na taon sa buong dalawampung taon na inilalagi ko dito sa mundo. feeling ko, talo ko pa ang mga local telenovelas sa kuwento ng buhay ko. hindi nga lang ako katulad ng mga karakter na ginampanan ni Judy Ann noon - api, hindi lumalaban, mabait, parang santa. kasi po, ako ang bidang matigas ang ulo, pasaway, palaban, at malayung-malayong sambahin. hindi rin happy ending ang kuwento ko. sadly, puro drama lang, walang feel-good ending. walang pamilyang muling pinagtagpo, walang dating alilang naging prinsesa, at higit sa lahat, walang prince charming sa ending (for one, hindi naman ako naghahanap ng PRINCE!). well, lalo naman kasing hindi fairy tale ang buhay ko.

Image Hosted by ImageShack.us minsan, naiinggit ako sa mga kuwentong isinusulat ko para sa tv. sana lang, katulad ng mga segments ko, pwede kong kontrolin ang magiging takbo ng kuwento... sana ay may executive producer na tumutulong sakin para mapaganda ang treatment ng buhay ko... sana ay may production unit manager na nagdo-double check pa... sana ay pwede kong i-type sa pc ang kwento ng buhay ko para pwedeng i-edit kapag may wrong spelling o kapag gusto kong i-rephrase ang mga sentence... sana may cameraman ako para maganda ang mga shots... sana may take two, take three, take four, at take to the infinity hangga't hindi maganda ang pagkakadeliver ng mga linya... sana may may editor na tutulong sakin para tama ang mga video na pinipili ko... sana may graphix artist para makulay, makinang, at magical ang look... sana pwede ring i-edit sa avid para mas swabe ang mga transitions, para malagyan ng special effects... sana may musical scorer para mas may buhay ang aking buhay... sana may forward, rewind, fast-mo, at slow-mo... sana... sana... pero wala.

bakit nga ba kulang na lang ay isumpa ko ang pagdaan ng taon na ito?

una, dalawang itinuturing kong kaibigan ang sumaksak sa likod ko... iniwan ako ng isang taong minahal ko nang totoo, ang taong pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda... at ngayon, alam kong sama ng loob at galit lamang ang iniuukol sakin ng taong ito (ano pa nga ba ang mas sasakit pa sa pangyayaring kamuhian ka ng taong mahal na mahal mo?)... nakumpirma ko na ang isang katotohanan na matagal ko nang iniiwasang harapin -- isa sa magulang ko ay hindi naging tapat... at patuloy na hindi nagiging tapat... muntik na akong umalis sa GMA at tuluyan na sanang lumipad palayo sakin ang mga pangarap ko... kung anu-anong sakit na rin ang dumapo sakin ngayon, mga sakit na inihatid sakin ng depresyong pinagdaanan ko... lumayas ako sa amin dahil lalo kong napatunayan ngayon na hindi talaga ako pinahahalagahan ng mga taong dapat sana'y tinatakbuhan ko ngayon, sa mga panahong kailangan ko ng mga maiinit na yakap... ng mga mapagkalingang haplos... ng pagmamahal....

alam kong marami ring biyayang dumating sa akin ngayon. at hindi ko isinasawalang-bahala ang mga iyon. pero kahit anong pilit kong maging masaya, lagi na lamang akong iginugupo ng lungkot.

mahigit isang linggo din akong gabi-gabi umiiyak ilang araw bago mag-bagong taon hanggang sa makaraan ito. ilang gabi na namang nahilam sa luha ang mga mata ko. dumadating pa sa puntong halos hindi nako makahinga.

ayoko na... pagod nako...

sana nga ay isa lamang palabas sa tv ang buhay ko... para pwede kong ilipat ng channel kapag hindi na maganda ang takbo ng mga pangyayari. o di kaya ay lagyan na ng tuldok ang script at gawing happy ang ending.

sana sa bagong taong dumating ngayon, mag-iba na ang title at takbo ng programa ng buhay ko.